Gusto ko talaga ang asignaturang filipino , kasi tagalog lang naman yung sasabihin mo at issagot mo . Pero kalaunan Napagtanto kong mahirap din pala . Ang dami kasing babasahin na pagkahaba haba kaya minsan nakakaantok . Pero pag dating naman sa talakayan nakakatuwa kasi ang daming pangkatang gawain at nahahasa yung talento ng bawat isa . bukod pa diyan ay puro din kasi role play kaya masaya . madami na ring artistahin sa sa silid aralan namin . malaking tulong talaga siya sa amin .
Sa buong taon na pagtatalakayan sa asignaturang filipino . Hindi man lahat natandaan ko pero siguro iilan lang at magagamit ko pa siya sa mga sususnod na aralin kung meron man .
Sabado, Marso 19, 2016
Para Sa Guro Naming Si Gng Mixto
Marami na po kayong naituro sa amin , Hindi ko na nga po yata kayang banggitin lahat . Siguro yung iba di na po namin matatandaan pero yung pagiging makulit niyo pong guro at kaya kaming sabayan sa lahat ng trip namin , yun po yung di namin makakalimutan . Yung pang aasar po namin sa iyo tuwing pupunta si sir mixto :) AYIEEE ! kinikilig si maam .Hahaha yun po yung isang katangian na gustong gusto namin sa iyo .
Pagdating naman po sa pagtuturo , syempre po walang makakatalo sa iyo . magaling naman po talaga ikaw . Sa buong taon , sulit lahat ng ginawa namin sa asignaturang filipino , Oo inaamin namin na mahirap kasi minsan ang hirap ng pinapagawa niyo pero pagkatapos nun masaya naman eii at nakakaya naman namin kahit minsan ay di nagkakasundo ang bawat isa. Kaya salamat po sa lahat lahat .
Sabado, Pebrero 27, 2016
Sabado at Linggo
Buong sabado ng hapon yata akong tinatamad at nakahiga lang sa bahay . Ewan ko ba pakiramdam ko ee dama ko pa din yung pagkatalo namin ! hahaha ang nagawa ko lang yata ay nagsaing at nagsulat ng ipopost sa blog ko. pagka tanghali ay natulog ako at medyo madilim na ng ako ay nagising .
Kinabukasan ay maaga akong nagising , ngayon ko kasi gagawin lahat ng aking takdang aralin kaya maaga akong pumunta sa computer shop upang mag post sa blog , matagal tagal na rin kasi akong di nakakapagsulat dito ee . Medyo marami rami din ang naiwang trabaho sa akin kaya kahit tinatamad ako ay kailangan ko magsipag at pigilan ang aking sakit na katam . Sana lang ay wag akong matuksong antukin mamaya . At sana lang ay matapos ko ang aking mga takdang aralin sa iba't ibang asignatura.
Laro ko noon , laro ko pa rin ngayon
Hanggang ngayon ay gusto ko pa rin siyang laruin . kaso minsan nakakahiya lang talaga dahil sa dalaga na ako at hindi na ito angkop na laro sa aking edad. Pero kung minsan ay nilalaro talaga namin ito ng aking mga kaibigan kapag kami ay magkakasama.
Sawing Nagwagi
Noong pebrero 26 ay ginanap namin ang field demonstration sa aming paaralan . Maaga rin kaming pumasok upang maghand at mag ayos ng sarili . May halong kaba at pagkagalak ang aming naramdaman . Saya dahil minsan lang naman namin ito gawin at kaba naman dahil hindi namin alam kung sino ang mananalo .
Isa sa pinaka masayang pangyayari sa arw na iyon ay nang sumayaw na kami sa harap ng maraming tao . wala na rin kasi sa isip ko kung mananalo ba akami basta ang nais gusto ko lang ay maenjoy namin ang pagsasayaw . Masayang sumayaw lalo na't ang daming kinikilig at naghihiyawan sa aming step sa sayaw . Ngunit isa sa pinakamalungkot naman na pangyyari doon ay ng inanunsyo na kung sino ang nanalo at hindi kami iyon . Oo hindi kami ! Bago pa yun ay dalawang grupo na lang kasi ang natititra kami at ang isang grupong magaling rin . kaya kinabahan na kami kasi magaling iyon at bongga yung kasuotan nila . Medyo nakakasama ng loob kasi wala man lang kaming nakuha pero ayos lang deserve naman nilang manalo ang mahalaga ay naging masaya kami . kaya kami ngayon ay "sawing nagwagi " Sawi dahil di kami nanalo pero nagwagi dahil alam naman namin na naging masaya kami .
Seryosong Nakakatawa
Ngayon na nasa tamang edad na ako . Sa tuwing naaalala ko iyon ay natatawa na lamang ako at nahihiya sa sarili . Na ang akala kong sobrang bigat na problema ay isa lang pa lang nakakatawang pangyayari sa aking buhay
T. L . E Exhibit
Sa oras ng aming asignaturang filipino ay pinalabas kami sa aming silid aralan upang tingnan ang mga pinaghirapang gawa ng bawat estudyante patungkol sa asignaturang T. L.E . Isa na rito ang aming miniture house na siya namang bumida sa mga mata ng mga estudyante , meron ding iba't ibang klase ng tahi , ang paggawa ng mini computerat ang pagtitinda doon ng ilang mga estudyante .
Nakakatuwa kasi nadoon yung gawa ko . Ilang araw ko din iyong pinaghirapan aa hahah. Talagang nakakatuwa dahil sa pamamagitan nito ay nabibigyang halaga nila ang gawa ng mga estudyante na siyang nagiging dahilan upang mas lalo pa naming pagbutihin ang aming gawa.
Nakakatuwa kasi nadoon yung gawa ko . Ilang araw ko din iyong pinaghirapan aa hahah. Talagang nakakatuwa dahil sa pamamagitan nito ay nabibigyang halaga nila ang gawa ng mga estudyante na siyang nagiging dahilan upang mas lalo pa naming pagbutihin ang aming gawa.
Happy Sundate
Hindi sa " BITTER " ako dahil sa wala akong karelasyonb . Kaso minsan nakakalungkot at napapaisip lang ako , kasi yung iba ginagawa lang nila ito tuwing araw ng mga puso at yung iba ay hindi pa totooang ipinapakita . Ang gusto lang nila ay mambola ! sana hinsi ganun , sana araw araw nating iparamdam ang pagmamahalan , sana totoo ang ating ipinapakita sa ating kapwa at sana matuto tayong unang magpasalamat sa ating panginoong diyos bago sa iba at nawa hindi lang salitang "SANA" ang lahat ng ito .
At dahil araw ng mga puso , ipinagdiwang din namin ito . Ooops ! hindi ng boyfriend aa , wala kasi ako nun . Kundi ng mga kaibigan ko . simple lang ang ginawa namin pero sobrang saya .. kumain lang sa food court , nagkwentuhan , nagtawanan , nagselfie at naglandi din saglit . Hahaha di naman yung maiiwasan ee lalo na kung maraming pogi pagkatapos nun ay pumunta kami sa quantum at naglaro .
Kung tutuusin ay kulang ang isang araw sa amin . Pag uwi ko sa bahay ay napaisip ulit ako na minsan hindi basehan ng tunay na pagmamahal ang pagkakaroon ng karelasyon , Minsan kasi sapat na na mayroon kang mga kaibigang laging nagpapaalala sayo kung gaano kahalaga ang pag - ibig .
Linggo, Pebrero 7, 2016
#CHARACTERDS PARADE
#PANGKAT1
Nang amin itong ginagawa ay medyo kinakabahan ako dahil sa hindi ko kabisado ang aking mga sasabihin at baka hindi rin maging maganda ang aming presentasyon , pero sa awa naman ng diyos ay nairaos din namin . Habang ako ay nanunuod , natuwa ako sa ilang mga karakter nas kanilang ginampanan , gaya na lamang ni sisa na ginampanan ni jackielyn bonganay . Natuwa ako dahil sa sineryoso niya ang kaniyang karakter . Maganda at nakakatawa ang kaniyang ginawa . Ngunit Sa ilan naman ay medyo hindi ako natuwa . Para lang kasi nilang kinabisado ang kanilang mga linya at nakatayo lang sila sa unahan kung kaya't nakaka boring panoorin .
Sa akin namang ginampanan ay medyo natuwa ako , dahil alam ko na nagampanan ko naman ang aking role pero hindi nga lang gaun kahanda . Nahirapan din kasi akong maghanap ng damit na aking susuutin . Buti na lamang ay may mga nahiraman ako .
#DONYAVICTORINA
Maganda ang naisip ng aming guro sa asignaturang filipino dahil mas madali naming nakikilala ang mga ilang tauhan sa akda ni Dr. Jode Rizal na Noli Me Tangere at mas madali rin naming nakikilala kung ano nga bang klaseng pagkatao mayroon ang karakter na ito . Nag enjoy kami sa aming ginawa at isa na rin itong magandang karanasan sa amin bilang isang estudyante .
Sabado at Linggong magkakasama
#MILLIONVOLUNTEERRUN3
#9-ANTIPOLO
Araw ng sabado ay maaga na akong gumising upang mag asikaso ng aking pagkain dahil iyon rin ang araw ng pagpunta namin sa ynares upang ganapin ang " Million Volunteer Run 3 " sa red cross . Ito ay nation wide kung kaya't marami rin ang sumali at tumakbo . Masaya na nakakapagod ang araw na ito . Masaya dahil may nagawa akong kakaiba sa araw na ito . Nakakapagod dahil sa medyo may kalayuan ang aming tinakbo
Nang matapos na ang Fun run , agad kaming dumiretso sa bahay ng aking kaklase upang magpahinga , makalipas ang ilang oras ay pumunta na kami sa marikina upang mamili ng mga sangkap na aming ibebenta sa martes . Di na rin kami naggala , mabigat din kasi ang aming dalahin . Hapon na ng kami'y makauwi sa aming mga bahay . kaya naman ay nagpahinga na rin ako .
Kinabukasan , araw ng linngo ay umalis ako sa aming bahay ng 10:00 ng umaga dahil sa gagawa kami ng keos sa bahay ng aking kaklase . Kailangan na rin kasi iyong matapos at syempre kailangan na maging maganda iyon para di naman nakakahiyang ipakita sa mga mamimili . Halos maghapon din kaming gumawa ng aming proyekto sa asignaturang E.S.P Kaya't ramdam nanaman namin ang pagod at pagkaantok . Pero sa kanilang banda naman ay para rin ito sa aming marka at sa ganda ng aming magagawa.
Lunes, Enero 11, 2016
The Adventure Of Stripe And Yellow
Lunes, Enero 4, 2016
Bagong Taon
Hayyy ! bagong taon na ! ang bilis lang ng taon para sa akin . Pero sa tuwing sasapit ang bagong taon ay talaga namang di maipinta ang kasiyahan ng bawat isa at isa ako sa mga yan . Syempre di naman ako papahuli sa kasiyahan . Dapat lang naman talaga iyon dahil patunay lamang iyon na , masaya tayong at nalagpasan nanaman natin ang isang taon . Isang taong madaming pinagdaanan , may tawanan , iyakan , kulitan , inisan , harutan at kiligan . Nakakatuwa kasi ang daming nangyari sa loob ng isang taon .
Maaga palang naghanda na kami para di na hasel sa gabi at para kakain na lang . Haha 1 nagsimba muna kaming pamilya at pagkauwi namin ay may mga nag iinuman sa tapat namin . Ang tagal mag alas dose at medyo dinadalaw na rin ako ng antok kaya umidlip muna ako saglit at 11:30 na ako ng magising at dahil pa iyon sa mga kaibigan ko na nanggising sa akin . pero salamat !
Nang sumapit na ang 12:00 , syempre tumalon ako , naniniwala pa rin kasi ako sa ganun eii . Marami ang nagpapaputok kaya di rin ako lumabas ng bahay , lumabas lang ako ng wala ng nagpapaputok . Hahaha ! oo masaya talaga kasi binati niya ako <3 kilig ? oo na , ! ehem ! kaso saglit lang kami nag usap .tama na . Basta hindi lang masaya ang bagong taon ko kundi sobrang saya .
Rizal Day
Pangako Ko
Hindi ko na mabilang kung ilang pangako na ang naipangako ko taon taon , Hindi ko na rin alam kung ilang pangako ko na ang NATUPAD at HINDI . At ngayon , panibagong pangako ko nanaman ang kailangan kong maipangako at matupadpara sa sarili ko .
Dahil malapit na ang 2016 , Pangako ko na di na ako masyadong aasa sa iba , pansin ko kasi na nakasanayan ko ang ganoong ugali sa taong 2015 at lama ko na hindi iyon maganda tingnan lalo na at babae ako . Isa pa ay mas lalo akong magsisipag sa pag aaral dahil iyon lang nam,an ang gusto ng aking mga magulang at nawa ay m,atupad ko ito . Hindi man mabilisan pero oonti ontiin ko ito
Hindi na ri ako magpapahuli , dahil may pangako ako , Gusto kong mag pasalamat sa kanila at iba pa . Sa mga masasaya pangyayari na kasama ko kayo salamat ng marami :)
Dahil malapit na ang 2016 , Pangako ko na di na ako masyadong aasa sa iba , pansin ko kasi na nakasanayan ko ang ganoong ugali sa taong 2015 at lama ko na hindi iyon maganda tingnan lalo na at babae ako . Isa pa ay mas lalo akong magsisipag sa pag aaral dahil iyon lang nam,an ang gusto ng aking mga magulang at nawa ay m,atupad ko ito . Hindi man mabilisan pero oonti ontiin ko ito
Hindi na ri ako magpapahuli , dahil may pangako ako , Gusto kong mag pasalamat sa kanila at iba pa . Sa mga masasaya pangyayari na kasama ko kayo salamat ng marami :)
Christmas Evening
Hi ! Halos lahat ng tao sa bahay ay abalang abala sa pagluluto para sa pagsalubong namin sa kapaskuhan . Iba't ibang putahe ang kanilang niluluto at syempre di mawawala ang kanilang utusan . hahaha ! Medyo nakakapagod din pala pero ayos lang ako rin naman ang kakain eii . Isa pa ay nakasanayan na rin kasi namin ang ganitong gawain , ang sabay sabay kumain .
Pero ngayon , di namin iyon nagawa ng sabay sabay . Nagsinba pa kasi kaming magkakapatid upang salubungin ang araw ng pagsilang ng ating panginoon . Ala una na rin ng matapos ang misa kaya tanging sila mama , papa at ang aking pinsan na lamang ang nagsasalo salo sa kanilang hinandang putahe. Pinilit namin g humabol pero di talaga eii .... !
Pag uwi ko sa aming bahay , ang tangi ko na lamang naabutan ay ang nakatakip na pagkain para sa amin at pagkakita ko sa kanila ay mga tulog na . Nakakalungkot lang na hindi kami nakahabol . Minsan lang kasi namin iyon ng sabay sabay eii pero okeyy na rin kasi para kay god naman ang aming ginawa.
Pero ngayon , di namin iyon nagawa ng sabay sabay . Nagsinba pa kasi kaming magkakapatid upang salubungin ang araw ng pagsilang ng ating panginoon . Ala una na rin ng matapos ang misa kaya tanging sila mama , papa at ang aking pinsan na lamang ang nagsasalo salo sa kanilang hinandang putahe. Pinilit namin g humabol pero di talaga eii .... !
Pag uwi ko sa aming bahay , ang tangi ko na lamang naabutan ay ang nakatakip na pagkain para sa amin at pagkakita ko sa kanila ay mga tulog na . Nakakalungkot lang na hindi kami nakahabol . Minsan lang kasi namin iyon ng sabay sabay eii pero okeyy na rin kasi para kay god naman ang aming ginawa.
Wish List
Hindi na siguro mawawala taon taon ang paghingi ng wish list sa tuwing sasapit ang kapaskuhan. Hindi na rin mawawala ang mga ngiti sa labi ng bawat isa sa tuwing sila ay tinatanong siguro dahil isa sa mga hiling nila ay maaaring matupad . Bentang benta ito lalo na sa mga bata .
Masasabi kong isa ako sa kanila na ang tanging gusto ay kasiyahan . Isa ako sa nag aabang sa tuwing sasapit ang kapaskuhan , Isa ako sa nagsususlat ng wish list at naghahangad na matupad ito . Ngayon , kung tatanungin ako kung ano ang wish ko ngayong pasko ay ang .........
1) Maging ligtas , malusog at malayo sa kapahamakan dahil bilang isang ordinaryong tao , wala na sigurong hihigit pa doon sapat na ang masaya at simpleng buhay para sa akin .
2)Ang mahanap na ng aking nanay at ng aking ninang ang kapatawaran sa kanilang puso . Matagal tagal na rin kasi silang hindi nagpapansinan at medyo mahirap kasi may ilangan na nagaganap sa pagitan nila . Gusto ko na maibalik muli ang dati nilang pagkakaibigan at maging masaya muli .
Dalawa lang ang aking hiling at hangad ko na nawa ay matupad ito .
Masasabi kong isa ako sa kanila na ang tanging gusto ay kasiyahan . Isa ako sa nag aabang sa tuwing sasapit ang kapaskuhan , Isa ako sa nagsususlat ng wish list at naghahangad na matupad ito . Ngayon , kung tatanungin ako kung ano ang wish ko ngayong pasko ay ang .........
1) Maging ligtas , malusog at malayo sa kapahamakan dahil bilang isang ordinaryong tao , wala na sigurong hihigit pa doon sapat na ang masaya at simpleng buhay para sa akin .
2)Ang mahanap na ng aking nanay at ng aking ninang ang kapatawaran sa kanilang puso . Matagal tagal na rin kasi silang hindi nagpapansinan at medyo mahirap kasi may ilangan na nagaganap sa pagitan nila . Gusto ko na maibalik muli ang dati nilang pagkakaibigan at maging masaya muli .
Dalawa lang ang aking hiling at hangad ko na nawa ay matupad ito .
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)