Linggo, Pebrero 7, 2016

Sabado at Linggong magkakasama


#MILLIONVOLUNTEERRUN3 
#9-ANTIPOLO

      Araw ng sabado ay maaga na akong gumising upang mag asikaso ng aking pagkain dahil iyon rin ang araw ng pagpunta namin sa ynares upang ganapin ang " Million Volunteer Run 3 " sa red cross . Ito ay nation wide kung kaya't marami rin ang sumali at tumakbo . Masaya na nakakapagod ang araw na ito . Masaya dahil may nagawa akong kakaiba sa araw na ito . Nakakapagod dahil sa medyo may kalayuan ang aming tinakbo 

      Nang matapos na ang Fun run , agad kaming dumiretso sa bahay ng aking kaklase upang magpahinga , makalipas ang ilang oras ay pumunta na kami sa marikina upang mamili ng mga sangkap na aming ibebenta sa martes . Di na rin kami naggala , mabigat din kasi ang aming dalahin . Hapon na ng kami'y makauwi sa aming mga bahay . kaya naman ay nagpahinga na rin ako .

     Kinabukasan , araw ng linngo ay umalis ako sa aming bahay ng 10:00 ng umaga dahil sa gagawa kami ng keos sa bahay ng aking kaklase . Kailangan na rin kasi iyong matapos at syempre kailangan na maging maganda iyon para di naman nakakahiyang ipakita sa mga mamimili . Halos maghapon din kaming gumawa ng aming proyekto sa asignaturang E.S.P Kaya't ramdam nanaman namin ang pagod at pagkaantok . Pero sa kanilang banda naman ay para rin ito sa aming marka at sa ganda ng aming magagawa. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento