Hi ! Halos lahat ng tao sa bahay ay abalang abala sa pagluluto para sa pagsalubong namin sa kapaskuhan . Iba't ibang putahe ang kanilang niluluto at syempre di mawawala ang kanilang utusan . hahaha ! Medyo nakakapagod din pala pero ayos lang ako rin naman ang kakain eii . Isa pa ay nakasanayan na rin kasi namin ang ganitong gawain , ang sabay sabay kumain .
Pero ngayon , di namin iyon nagawa ng sabay sabay . Nagsinba pa kasi kaming magkakapatid upang salubungin ang araw ng pagsilang ng ating panginoon . Ala una na rin ng matapos ang misa kaya tanging sila mama , papa at ang aking pinsan na lamang ang nagsasalo salo sa kanilang hinandang putahe. Pinilit namin g humabol pero di talaga eii .... !
Pag uwi ko sa aming bahay , ang tangi ko na lamang naabutan ay ang nakatakip na pagkain para sa amin at pagkakita ko sa kanila ay mga tulog na . Nakakalungkot lang na hindi kami nakahabol . Minsan lang kasi namin iyon ng sabay sabay eii pero okeyy na rin kasi para kay god naman ang aming ginawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento