Sabado, Pebrero 27, 2016

Happy Sundate




       Hindi na bago sa ating lahat ang pagdiriwang ng araw ng mga puso tuwing sasapit ang ika 14 ng pebrero taon taon . Ito ay araw ng pagpaparamdam mo ng pagmamahal sa isang tao , Mapabata man o mapabata ay ipinagdiriwang ito . Ngunit tila mas kapansin pansin ang pagdiriwang nito ng mga taong umiibig at mayroong karelasyon . Iba't iba rin ang kanilang paraan upang mapasaya ang kanilang minamahal . mayroong dinadaan sa kanta , tula , sayaw at syempre ang pinaka modernong gawain ng mga lalaki , ang pagbibigay ng ng mga mamahaling tsokolate at bulaklak sa kanilang minamahal . Yung iba pa nga ay  Pumupunta sa isang lugar na tahimik at nanamnamin ninyo ang bawat minuto na magkasama kayo at ang pagsasabi ng " I LOVE YOU " sa kanya bago pa man matapos ang araw na magkasama kayo . Ganoon kahalaga ang araw ng mga puso . 


      Hindi sa " BITTER " ako dahil sa wala akong karelasyonb . Kaso minsan nakakalungkot at napapaisip lang ako , kasi yung iba ginagawa lang nila ito tuwing araw ng mga puso at yung iba ay hindi pa totooang ipinapakita . Ang gusto lang nila ay mambola ! sana hinsi ganun , sana araw araw nating iparamdam ang pagmamahalan , sana totoo ang ating ipinapakita sa ating kapwa at sana matuto tayong unang magpasalamat sa ating panginoong diyos bago sa iba at nawa hindi lang salitang "SANA" ang lahat ng ito .




      At dahil araw ng mga puso , ipinagdiwang din namin ito . Ooops ! hindi ng boyfriend aa , wala kasi ako nun . Kundi ng mga kaibigan ko . simple lang ang ginawa namin pero sobrang saya .. kumain lang sa food court , nagkwentuhan , nagtawanan , nagselfie at naglandi din saglit . Hahaha di naman yung maiiwasan ee lalo na kung maraming pogi pagkatapos nun ay pumunta kami sa quantum at naglaro .


 Kung tutuusin ay kulang ang isang araw sa amin . Pag uwi ko sa bahay ay napaisip ulit ako na minsan hindi basehan ng tunay na pagmamahal ang pagkakaroon ng karelasyon , Minsan kasi sapat na na mayroon kang mga kaibigang laging nagpapaalala sayo kung gaano kahalaga ang pag - ibig .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento