Sabado, Marso 19, 2016

Para Sa Guro Naming Si Gng Mixto

   

 Kamusta po Gng Mixto ? ang ganda niyo po sa larwang ito :) Haha medyo mahirap pong mag tagalog ng buo kasi parang ang awkward basahin . Di ko alam kong saan ko sisimulan pero salamat po sa lahat , sa pagtitiyaga sa amin kahit minsan nakikita niyo po kaming gumagawa ng takdang aralin sa ibang asignatura at hindi niyo pa rin po kami pinapagalitan . Naiintindihan din po namin na kung minsan ay bad mood ka sa amin at alam naman po namin na kasalanan namin iyon . 

    Marami na po kayong naituro sa amin , Hindi ko na nga po yata kayang  banggitin lahat . Siguro yung iba di na po namin matatandaan pero yung pagiging makulit niyo pong guro at kaya kaming sabayan sa lahat ng trip namin , yun po yung di namin makakalimutan . Yung pang aasar po namin sa iyo tuwing pupunta si sir mixto :) AYIEEE !  kinikilig si maam .Hahaha yun po yung isang katangian na gustong gusto namin sa iyo .

     Pagdating naman po sa pagtuturo , syempre po walang makakatalo sa iyo . magaling naman po talaga ikaw . Sa buong taon , sulit lahat ng ginawa namin sa asignaturang filipino , Oo inaamin namin na mahirap kasi minsan ang hirap ng pinapagawa niyo pero pagkatapos nun masaya naman eii at nakakaya naman namin kahit minsan ay di nagkakasundo ang bawat isa.  Kaya salamat po sa lahat lahat . 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento