Hindi na siguro mawawala taon taon ang paghingi ng wish list sa tuwing sasapit ang kapaskuhan. Hindi na rin mawawala ang mga ngiti sa labi ng bawat isa sa tuwing sila ay tinatanong siguro dahil isa sa mga hiling nila ay maaaring matupad . Bentang benta ito lalo na sa mga bata .
Masasabi kong isa ako sa kanila na ang tanging gusto ay kasiyahan . Isa ako sa nag aabang sa tuwing sasapit ang kapaskuhan , Isa ako sa nagsususlat ng wish list at naghahangad na matupad ito . Ngayon , kung tatanungin ako kung ano ang wish ko ngayong pasko ay ang .........
1) Maging ligtas , malusog at malayo sa kapahamakan dahil bilang isang ordinaryong tao , wala na sigurong hihigit pa doon sapat na ang masaya at simpleng buhay para sa akin .
2)Ang mahanap na ng aking nanay at ng aking ninang ang kapatawaran sa kanilang puso . Matagal tagal na rin kasi silang hindi nagpapansinan at medyo mahirap kasi may ilangan na nagaganap sa pagitan nila . Gusto ko na maibalik muli ang dati nilang pagkakaibigan at maging masaya muli .
Dalawa lang ang aking hiling at hangad ko na nawa ay matupad ito .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento