Sabado at gabi na pala ? Grabe hindi ko na talaga namamalayan ang oras sa dami ng aking o aming ginagawa . Wala namang sisihin dahil tungkulin at responsibilidad namin gawin ang mga iniatang na gawain ng aming mga guro sa iba't ibang asignatura.
Pasikat pa lang ang araw , gising na ako . pilit kong idinidilat ngunit ito'y kusang bumababa . kung kaya't minabuti ko na lamang na bumalik sa pagtulog . Mga 7:00 am na ng umaga ng ako'y nagising at nagmamadali na pawang hinahabol ng aso . Nakalimutan kong may praktis pala kami sa thespian . Nagdadalawang isip ako kung pupunta pa ba ako o hi n di na dahil nga sa umuulan at baka wala ding pumunta ngunit sa huli ako rin ay pumunta sa aming paaralan.Maga naman kaming pinauwi ni sir G. . hayyyyyyy buti na lang talaga ! agad kaming dumiretso nila ledonio at marj kila obena upang tapusi ang mga pangkatang gawain sa iba't ibang asignatura . OO nakakapagod talaga . minsan nga sumasagi sa aking isipan na huwag na lamang itong gawin pero wala naman akong magagawa ee nakasalalay dito ang aking mga grado at syempre ay upang pumasa na din .
Gabi narin ng makauwi ako sa aming bahay . buti na lang talaga at hindi ako sinermunan ni mama . bawas inis ! hahaha . kumain agad ako . kinain ko na lang pagod ko 1 pagkatapos ko kumain dumiretso na agadakosa kompyuteran upang gawin ang mga natirang gawain .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento