Pagsulat Ng Sanaysay |
Napakahalagang matuto tayong sumulat ng isang sanaysay . Dahil sa pamamagitan nito ay makapagpapahayag tayo ng sariling opinyon at damdamin . Sa pagsulat ng sanmaysay mahalaga ding malaman natin ang mga uri nito , Kung ito ba ay pormal o di pormal . halimbawa na lang sa pormal , ito ay tumatalakay sa isang seryosong usapin o paksa kung saan ikaw ay maaaring makapagbigay ng opinyon ngunit , marapat din na mag ingat sa mga salitang iyong ginagamit upang hindi makasakit ng damdamin sa mga mambabasa at ang pangalawa naman ay ang di pormal . Ito naman ay tumatalakay sa isang mababaw na paksa . Dito para ka lamang nakikipagkwentuhan . Gumagamit din dito ng mga mababaw na salita upang mas madaling maintindihan ng mga mambabasa . Ilan lamang iyan sa mga dapat tandaan , kaya masasabi ko na mahalaga itong malaman at maunawaan dahil sa pamamagitan nito ay malalaman natin lahat kung paano nga ba makapagbibigay ng opinyon ng tama ang mga salitang ginagamit .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento