Martes, Oktubre 6, 2015

Huwarang Guro


                       

Siya si Sir Rodney Allan Gianan o mas kilala siya sa tawag na Sir G. o tatay . bagama't hindi ko siya naging guro sa iba't ibang asignatura pero siya naman ang aming direktor sa organisasyong thespian guild . Karamihan kilala siya bilang guro sa asignaturang ingles . Masasabi kong hindi ko siya paboritong guro pero siya naman ang guro na pinaka masaya kong nakilala at isa pa ay dahil may malaki siyang naitulong sa akin na kahit kailan ay hindi malilimutan . 



      Simpleng guro lang si tatay , tulad rin ng ibang guro siya . Matalino , masipag , matiyaga , may tiwala sa sarili at hindi sumusuko sa lahat ng bagay . hindi rin naman siya perpekto dahil tao lang siya nagkakamali , nagagalit . at nakakaramdam ng inis . Minsan talaga aakalain mong masungit siya . paano ba naman kasi ang seryoso ng mukha at kapag kinausap mo ikaw na lang kakabahan dahil sryoso din siya magsalita  pero sa una lang pala iyon , pag nakasama mo na siya ng lubos  hindi mo aakalaing ganun pala ang ugali niya . Joker , makulit , maingay , maalaga , maintindihin at mapagmahal na guro at tatay . Pakiramdam ko nga pag kasama ko siya para lang kaming magkaibigan  . Minsan maiinis ka sa kanya , ang lakas kasi mangtrip sa amin pero ibang klase si tatay . para kay sir . ang lokohan ay lokohan , ang tawanan ay tawanan , ang seryosohan ay seryosohan . karespe rspeto talaga siya dahil kaya niyang makipagsabayan sa mga estudyante ng hindi nawawala ang respeto sa kanya ng mga ito . 


     Si Sir / Tatay , hindi lang siya nagsilbing guro sa akin kundi itinuring ko na rin siya na pangalawang  ama . Siya ang nagturo sa akin ng maging matatag na mag aaral , sabihi ang dapat sabihin sa magandang paraan kahit alam mong may masasaktan . Napakarami niyang naitulong sa akin . siya rin ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na makapag perform sa harap ng maraming tao at higit sa lahat siya yung gurong tanging nagpaalis ng takot ko sa pagtingin sa kabaong . parang ewan lang kung iisipin pero para sa akin hindi ewan yun ee , ang laking bagay nun sa akin at sa pagkatao ko . kaya wala talagang papantay sa gurong ito . kahit wala siyang asawa't anak . napakarami namang nagmamahal na anak anakan niya sa kanya . Kaya bilang pasasalamat sa mga nagawa niya sa akin  . Alam kong maikling salita lang ito pero sisiguraduhin kong bukal ito sa aking puso . Mahal kita tay , mahal ka namin  at maraming salamat po sa lahat muli Happy Teacher's Day . 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento