Sa Tamang Panahon
Masasabi mo bang pagmamahal ang isang bagay kung panandalian lang naman ang lahat ng iyong nararamdaman at parang bula kung biglaang maglaho ? Masasabi mo pa rin bang pagmamahal ito kung ikaw na lang mag isa ang nagpaparamdam ng pagmamahal sa kanya ?
Bilog daw ang mundo , Hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay tulad ng pagdaan ng araw/panahon at pagtakbo ng oras . Hindi mo alam kung sino ang darating sa iyong buhay , Ang mahalaga ay HANDA ka . Handa kang humarap sa hamon ng buhay , Handa kang humarap sa realidad ng buhay . Handa kang maging masaya at handa kang masaktan at lumuha
Normal daw ang maramdaman ang mga bagay na ganito , ang masaktan dahil nagmamahal ka . Pero normal pa rin ba kung paulit ulit mo itong nararamdaman ? paulit ulit na tumatagaktak ang iyong mga luha sa unan at unti unting naninikip ang iyong dibdib dahil sa dala dala mo ang sakit na iyan . Masisisi mo pa rin ba ang iyong sarili kung ang layunin mo lang naman ay magmahal at masuklian gaya ng iyong ibinibigay ? Sa dami ng iyong pinagdaanan di naman talagang nating maiiwasang sumagi sa ating isipan ang tanong na " Kulang paba ? "Kulang pa ba ang pagmamahal na ipinaparamdam mo sa kanya ?
" Sa Tamang Panahon " yan ang paulit ulit kong nariirnig sa aking pamilya , kaibigan , kaklase , sa mga guro , at sa mga tambay sa amin . Minsan nga nakakainis na , ang dadrama sa buhay , puro lang salita di naman isinasabuhay . Cheee !
Isang araw , pinili kong mapag isa . Lumabas ako sa aming bahay kahit alam ko na gabi na .umupo ako at tiningnan ang kalangitan . Biglang sumagi sa akin ang salitang tamang panahon . inisip ko rin kung bakit ang daming taong nasasaktan ? Pero isa lang pala talaga ang sagot , ito'y dahil hindi sila naghintay . Lahat ng bagay ay may tamang panahon , tamang panahon para maging masaya dahil ang taong marunong maghintay sa huli may aanihin . hindi mo naman kailangang tumakbo , makisabay ka sa agos ng buhay , hayaan mong ienjoy ang lahat ng bagay , hayaan mong siya ang maghanap sayo . Enjoy your day , enjoy your life and wait for thE Right time to get for the right guy . di mo man ngayon maranasan ang happiness baka bukas , hindi man bukas baka sa isang linggo , hindi man sa isang linggo baka sa isang buwan , di man sa isang buwan baka sa isang taon , di man sa isang taon baka SA TAMANG PANAHON ! .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento