Sabado, Oktubre 31, 2015

Trick Or Treat ( sabado at linggo )


       Hayyyyy ! malapit na matapos ang maliligayang araw namin ngayon , dahil bukas ay may pasok na . Ihanda na ang mga ballpen at papel isama na ang mga tenga sa pakikinig . Pero bago pa yan , syempre kailangan na magpakasaya na kami ngayon . Happy halloween ! haha ! nakaka excite mamaya . bata ? magpapakabata ! . 

      Ewan ko ba kila mama kung bakit ang daming handa . okeyy na nga sana sa amin ang biko lang kaso parang ginawang pasko ngayon . tapos sa darating na kaarawan ko ay walang handa . Di naman lahat yun mauubos ,  ee kaso wala naman kaming magagawa kasi kakain din naman kami ng inihanda niya ee kaso hahayaan ko na lang siya . haha !

     Nakakainis lang ang daming utos sa akin . pero sige na pagbibigyan ko na . ang dami ding nakatambay na lasing sa tapat namin at sobrang iingay pa . nakakarindi ! imbis na manuod ako ay nagcom na lang ako kaya nagawa ko ito . Hahah ! okeyy na ?

Martes, Oktubre 27, 2015

Sa Tamang Panahon


         Masasabi mo bang pagmamahal ang isang bagay kung panandalian lang naman ang lahat ng iyong nararamdaman at parang bula kung biglaang maglaho ? Masasabi mo pa rin bang pagmamahal ito kung ikaw na lang mag isa ang nagpaparamdam ng pagmamahal sa kanya ?



     Bilog daw ang mundo , Hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay tulad ng pagdaan ng araw/panahon  at pagtakbo ng oras . Hindi mo alam kung sino ang darating sa iyong buhay , Ang mahalaga ay HANDA ka . Handa kang humarap sa hamon ng buhay , Handa kang humarap sa realidad ng buhay . Handa kang maging masaya  at handa kang masaktan at lumuha




      Normal daw ang maramdaman ang mga bagay na ganito , ang masaktan dahil nagmamahal ka . Pero normal pa rin ba kung paulit ulit mo itong nararamdaman ? paulit ulit na tumatagaktak ang iyong mga luha sa unan at unti unting naninikip ang iyong dibdib dahil sa dala dala mo ang sakit na iyan . Masisisi mo pa rin ba ang iyong sarili kung ang layunin mo lang naman ay magmahal at masuklian gaya ng iyong ibinibigay ? Sa dami ng iyong pinagdaanan di naman talagang nating maiiwasang sumagi sa ating isipan ang tanong na " Kulang paba ? "Kulang pa ba ang pagmamahal na ipinaparamdam mo sa kanya ?



      " Sa Tamang Panahon " yan ang paulit ulit kong nariirnig sa aking pamilya , kaibigan , kaklase , sa mga guro , at sa mga tambay sa amin . Minsan nga nakakainis na , ang dadrama sa buhay , puro lang salita di naman isinasabuhay  . Cheee ! 



       Isang araw , pinili kong mapag isa . Lumabas ako sa aming bahay kahit alam ko na gabi na .umupo ako at tiningnan ang kalangitan . Biglang sumagi sa akin ang salitang tamang panahon . inisip ko rin kung bakit ang daming taong nasasaktan ? Pero isa lang pala talaga ang sagot , ito'y dahil hindi sila naghintay . Lahat ng bagay ay may tamang panahon , tamang panahon para maging masaya dahil ang taong marunong maghintay sa huli may aanihin . hindi mo naman kailangang tumakbo , makisabay ka sa agos ng buhay , hayaan mong ienjoy ang lahat ng bagay , hayaan mong siya ang maghanap sayo . Enjoy your day , enjoy your life and wait for thE Right time to get for the right guy . di mo man ngayon maranasan ang happiness baka bukas , hindi man bukas baka sa isang linggo , hindi man sa isang linggo baka sa isang buwan , di man sa isang buwan baka sa isang taon , di man sa isang taon baka  SA TAMANG PANAHON  ! .

Linggo, Oktubre 25, 2015

Nakakatamad Na Sabado at Linggo

    Sabado ng umaga ako dumating sa bahay . galing kasi ako sa aming paaralan , nag overnight kami kasama ang mga myembrro ng iba't ibang organisasyon doon tulad na lamang ng mga choir at indak , kasama namin sila at katulong upang mapaganda ang nasabing pagtatanghal . 

    Pagkadating ko di ko na naisip na magkape dahil sa sobrang antok ko . pinagalitan pa ako ni mama dahil di ko siya sinunod pero di ko naman yun inintindi natulog na agad ako . Alas 12:00 na ng tanghali ng ako'y nagising . sakto at kumakalam na rin ang aking sikmura sa gutom . Pagkatayo ko sa aking higaan ramdam ko ang sakit ng aking ulo , nabigla siguro sa pagtayo . kahit inaantok pa ako pinilit ko munang kumain . Pagkatapos kong kumain di na ako naghugas at bumalik na ulit ako sa aking higaan . Nagising ulit ako 6:00 na ng hapon . ramdam ko pa rin ang sakit ng aking ulo kung kaya't napagpasyahan kong iligo na lamang ito baka sakaling mawala ang sakit at di naman ako nagkamali . Maya maya pa'y dumating na si mama galing sa kanyang trabaho agad ako ni mamang niyaya sa talipapa upang bumili ng aming ulam , ayoko sana kaso naawa ako walang kasama eii . kaya sinamahan ko na lang 


 
     Kinabukasan , tinatamad pa rin talaga ako . Maglilinis sana ako ng aming bahay kaso inabot ako ng katamaran kaya nanuod na lamang ako ng mga palabas . maghapong nakabukas ang aming telebisyon dahilan para magalit si mama sa akin . Maya maya pa ay niyaya ako ng aking kaibigan na magsimba kaya naligo agad ako . Mga ilang minuto pa ay umalis na ako kasama ang aking kaibigan . Dumiretso na rin kami sa sm masinag para magpalamig . Masaya naman lalo na at nasalubong namin yung crush ko . hahaha ! malandi ! Basta kumpleto na raw ko . 

10 Bagay Na Nais Gawin Sa Sembreak !

      Sembreak na ! Hayyyy salamat naman at kahit papaano ay wala akong iisiping gawaing pampaaralan . pero may kailangan naman akong asikasuhin , marami rami din yun kaya kailangan ko na siyang simulan . marami din akong gustong gawin lalo na at sembreak . Ito ang sampung bagay na nais kong gawin ng walang pasok / sembreak . 

1)
MAGLINIS NG BAHAY 
- Matagal tagal na din kasi akong di nakakapaglinis ng aming bahay dahil nga sa marami akong ginagawa at dahil mahaba ang aking oras ito ang una kong gagawin para naman matuwa sa akin si mama . haha naaawa na rin kasi ako sa aming bahay punong puno ng alikabok . Isa pa para na rin maging makabuluhan ang unang araw ng aking sembreak . 

2)
GAGAWIN ANG MGA TAKDANG ARALIN 
- At kahit na sembreak syempre di papahuli ang aming mga guro sa pagbibigay ng T.A sa amin .Yung iba medyo marami pero ayos lang magagawa rin yan . Sisimulan ko ng agad itong gawin para di na ako maghahabol kapag ito'y pasahan na . 

3)
MANONOOD 
- dahil nga pahinga namin , mas marami akong oras upang libangin ang aking sarili tulad ng panonood ng mga palabas tuwing tanghali at gabi . At syempre malaya akong makapagpuyat . malaya ?





4)MAKIPAGKWENTUHAN 
- matagal tagal na din akong di nakakapunta sa bahay ng aking kaibigan kaya oras na para bumisita sa kanya at hindi papahuli ang aming mga kwentuhan sa isa't isa . 

5) BALIKAN ANG MGA NATAPOS NA GAWAIN SA ORGANISASYONG THESPIAN GUILD
- Dahil nga malapit na ang araw ng pagpeperform namin kinakailangan talaga namin itong tutukan dahil hindi biro ang aming gagawin . Matrabaho pa naman ito kaya kailangan talagang pag aralan ng mabuti . 

6)
MATULOG
-Naisip ko na matulog ako tuwing tanghali para naman tumangkad ako kahit papaano . Baka makatulong itong buong linggo sa pagpapatangkad ko . Baka pagpasok ko ulit magulat sila , matangkad na ako . hahahah !

7)BUMISITA SA AKING PINSAN 
- Napagpasyahan ko na bumisita sa aking pinsan dahil nga may sakit siya . Gusto ko kahit papaano ay makatulong ako sa kanya . Naaawa na kasi ako sa kanya . Sana gumaling na siya agad. 

8)
MAGKOMPYUTER
- Syempre kailangan kong iupdate itong aking blog baka pati dito bumagsak ako . pero gagawin ko lang naman ito pag may pera ako , pag wala doon na lang ako sa bahay , matutulog na lang . 






9)
KAKAIN  NG MARAMI
- Dahil nga gusto kong magpataba naisip kong kumain ng marami . pero kakain lang ako pag may pagkain , pag wala matutulog na lang ako . 








10 )GAGALA 
-Gusto ko ding gumala . pumunta sa mall para magpalamig . pero gagawin ko lang yan pag may pera ako . diba lahat nakadepende kung may pera ako ? hahaha . Kaya sana talga may pera ako . 

Sabado, Oktubre 17, 2015

Linggong Nakakabaliw !


   Linggo nanaman ? hahaha ang bilis talaga ng oras hanggang ngayon di pa rin namin natatapos ang mga gawain . stress talaga pag ganitong buwan lalao na at malapit na ang aming ikalawang markahang pagsususlit . Kulang talaga tulog ko pero mas pipiliin ko pa ring gawin ang mga ito para naman makapasa ako . katulad ng ginagawa ko ay maaga pa rin akong nagising kanina . nagsimulang maglaba kahit hindi pa nag aalmusal ganyan talaga siguro pag nagmamadali . pagkatapos kong maglaba ay nakaramdam ako ng pagkagutom kung kaya't minabuti ko munang kumain at dumiretso na agad ako sa kompyuteran upang gawin ito . marami rami na rin ang aking mga nagawa pero hindi ko pa rin matapos . hahaha bahala na matatapos din ito sa tamang panahon . 

Mga Nais Puntahan Sa Bansang Tsina

"Sacred Places In China "
       Ilan lamang ito sa mga nais kong puntahan sa bansang tsina . kung inyong mapapansin , dalawa dito ay puro tanawin . Para sa akin mas maganda itong puntahan sa bansang tsina dahil bukod sa maganda ito sa ating mga paningin ay makakapag isip tayo dito ng malalim . Nakakatuwa na hanggang ngayon ay mayroon pa ring ganitong napakagandang tanawin sa iba't ibang lugar o bansa . 


      Ang " Li River ". Humanga sa napakagandang tanawin at " Taste the fullness of life ". Ito ay sikat na tanawin at ilog sa bansang tsina at di naman papahuli ang kilalang kilala natin sa tsina , ang " Great wall of china "Ito ay kilalang kilala sa buong mundo dahil sa napakaganda nitong estraktura . patuloy paing  namamangha dito ang mga tao . 


     Maaaring madaming lugar na magaganda sa bansang ito pero mas pipiliin kong pumunta sa kanilang mga magagandang tanawin na doon lamang matatagpuan . Dahil Malaking bagay ang naitutulong sa atin ng mga ito lalo pa't ito ay napakagandang pagmasdan . 
"Great wall Of China"
"Li River"

STRESS ??

     Sabado at gabi na pala ?  Grabe hindi ko na talaga namamalayan ang oras sa dami ng aking o aming ginagawa . Wala namang sisihin dahil tungkulin at responsibilidad namin gawin ang mga iniatang na gawain  ng aming mga guro sa iba't ibang asignatura.


    Pasikat pa lang ang araw , gising na ako . pilit kong idinidilat ngunit ito'y kusang bumababa . kung kaya't minabuti ko na lamang na bumalik sa pagtulog . Mga 7:00 am na ng umaga ng ako'y nagising at nagmamadali na pawang hinahabol ng aso . Nakalimutan kong may praktis pala kami sa thespian . Nagdadalawang isip ako kung pupunta pa ba ako o hi n di na dahil nga sa umuulan at baka wala ding pumunta ngunit sa huli ako rin ay pumunta sa aming paaralan.Maga naman kaming pinauwi ni sir G. . hayyyyyyy buti na lang talaga ! agad kaming dumiretso nila ledonio at marj kila obena upang tapusi ang mga pangkatang gawain sa iba't ibang asignatura . OO nakakapagod talaga . minsan nga sumasagi sa aking isipan na huwag na lamang itong gawin pero wala naman akong magagawa ee nakasalalay dito ang aking mga grado at syempre ay upang pumasa na din . 


    Gabi narin ng makauwi ako sa aming bahay . buti na lang talaga at hindi ako sinermunan ni mama . bawas inis ! hahaha . kumain agad ako . kinain ko na lang pagod ko 1 pagkatapos ko kumain dumiretso na agadakosa kompyuteran upang gawin ang mga natirang gawain .

Sabado, Oktubre 10, 2015

sabado't linggo kay daming gawain

 " friendship is the most valuable thing in this wold " 

   Sabado nanamn ! ang raaw na pinakagusto ko , siguro dahil masaya akong makasama ang mga kaibigan ko . nakakapagkwentuhan ng kung ano ano . Isa pa masaya ako ngayon dahil ang dami dami naming natapos na scene . Malapit na kami matapos . Yan lang naman pinagkakaabalahan ko tuwing sabado ee . Ang makitang masaya kaming lahat na humahalkhak at nagtutulungan . Maging sa pag uwi ko ay di nawawala ang bakas ng ngiti sa aking labi  . 

   Kinabukasan , araw ng linggo . Sa aking paggising ramdam ko ang sakit ng kanan kong kamay . Hindi ko alam kung bakit ? pakiamdam ko nga manhid na itong kamay ko eee ! hahaha 
pati ba naman ito . ? Ngayon naman namomoroblema ako sa pinapagawa ng aming guro sa asignaturang mapeh . Pero bala na  ! gagawa na lang ako ng paraan . hayyyy , Buhay nga naman :) :) 


Martes, Oktubre 6, 2015

Huwarang Guro


                       

Siya si Sir Rodney Allan Gianan o mas kilala siya sa tawag na Sir G. o tatay . bagama't hindi ko siya naging guro sa iba't ibang asignatura pero siya naman ang aming direktor sa organisasyong thespian guild . Karamihan kilala siya bilang guro sa asignaturang ingles . Masasabi kong hindi ko siya paboritong guro pero siya naman ang guro na pinaka masaya kong nakilala at isa pa ay dahil may malaki siyang naitulong sa akin na kahit kailan ay hindi malilimutan . 



      Simpleng guro lang si tatay , tulad rin ng ibang guro siya . Matalino , masipag , matiyaga , may tiwala sa sarili at hindi sumusuko sa lahat ng bagay . hindi rin naman siya perpekto dahil tao lang siya nagkakamali , nagagalit . at nakakaramdam ng inis . Minsan talaga aakalain mong masungit siya . paano ba naman kasi ang seryoso ng mukha at kapag kinausap mo ikaw na lang kakabahan dahil sryoso din siya magsalita  pero sa una lang pala iyon , pag nakasama mo na siya ng lubos  hindi mo aakalaing ganun pala ang ugali niya . Joker , makulit , maingay , maalaga , maintindihin at mapagmahal na guro at tatay . Pakiramdam ko nga pag kasama ko siya para lang kaming magkaibigan  . Minsan maiinis ka sa kanya , ang lakas kasi mangtrip sa amin pero ibang klase si tatay . para kay sir . ang lokohan ay lokohan , ang tawanan ay tawanan , ang seryosohan ay seryosohan . karespe rspeto talaga siya dahil kaya niyang makipagsabayan sa mga estudyante ng hindi nawawala ang respeto sa kanya ng mga ito . 


     Si Sir / Tatay , hindi lang siya nagsilbing guro sa akin kundi itinuring ko na rin siya na pangalawang  ama . Siya ang nagturo sa akin ng maging matatag na mag aaral , sabihi ang dapat sabihin sa magandang paraan kahit alam mong may masasaktan . Napakarami niyang naitulong sa akin . siya rin ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na makapag perform sa harap ng maraming tao at higit sa lahat siya yung gurong tanging nagpaalis ng takot ko sa pagtingin sa kabaong . parang ewan lang kung iisipin pero para sa akin hindi ewan yun ee , ang laking bagay nun sa akin at sa pagkatao ko . kaya wala talagang papantay sa gurong ito . kahit wala siyang asawa't anak . napakarami namang nagmamahal na anak anakan niya sa kanya . Kaya bilang pasasalamat sa mga nagawa niya sa akin  . Alam kong maikling salita lang ito pero sisiguraduhin kong bukal ito sa aking puso . Mahal kita tay , mahal ka namin  at maraming salamat po sa lahat muli Happy Teacher's Day . 

Kaya Rin Namin

Hunger Games
   
         Isa ito sa mga paborito kong palabas dahil bukod sa maganda ang istorya at pag kakaganap ng mga tauhan dito ay makikita natin na babae ang bida sa kwentong ito . sa kwentong ito , ipinapakita ang katapangan ng mga kababaihan , na kaya nilang makibagsabayan sa hamon ng buhay at pagsubok .   


    Ito ay patungkol sa pakikipaglaban nila alang alang sa kanilang pamilya at gayun na rin sa kanilang nasasakupan . Napakaganda kung ating iisipin dahil bihia lamang na babae ang bibida sa isang palabas na napakalaki ang ginagampanan . Bagamat ito ay isa lamang palabas at maaaring hindi paniwalaan ng karamhan pero ito ay isa lamang sa mga patunay na kayang magsakripisyo at maghirap ng tao mapa babae man o lalaki alan alang sa kapakanan ng maraming tao 

    Dahil sa kanyang katapangan ay naging matagumay siya sa kaniyang  laban . Panghuli , napili ko ang palabas na ito dahil tumatalakay ito sa kakayahan ng isang babae na kaya nilang gawin ang mga nagagawa ng kalalakihan alang alang sa kanilang minamahal .

Linggo, Oktubre 4, 2015

Mahalagang Matuto Tayo

Pagsulat Ng Sanaysay 
      Hindi na siguro bago sa ating pandinig ang salitang " sanaysay " . Kasi bilang isang mag aaral  , atin itong napag aaralan sa iba't ibang asignatura tulad ng Filipino at ingles . Hindi lang kahulugan niyo ang tinatalakay kundi ang kanilang uri na rin . 


      Napakahalagang matuto tayong sumulat ng isang sanaysay . Dahil sa pamamagitan nito ay makapagpapahayag tayo ng sariling opinyon at damdamin  . Sa pagsulat ng sanmaysay mahalaga ding malaman natin ang mga uri nito ,  Kung ito ba ay pormal o di pormal . halimbawa na lang sa pormal , ito ay tumatalakay sa isang seryosong usapin o paksa kung saan ikaw ay maaaring makapagbigay ng opinyon ngunit , marapat din na mag ingat sa mga salitang iyong ginagamit upang hindi makasakit ng damdamin sa mga mambabasa at ang pangalawa naman ay ang di pormal . Ito naman ay tumatalakay sa isang mababaw na paksa . Dito para ka lamang nakikipagkwentuhan . Gumagamit din dito ng mga mababaw na salita upang mas madaling maintindihan ng mga mambabasa . Ilan lamang iyan sa mga dapat tandaan , kaya masasabi ko na mahalaga itong malaman at maunawaan dahil sa pamamagitan nito ay malalaman natin lahat kung paano nga ba makapagbibigay ng opinyon ng tama ang mga salitang ginagamit . 

Maulang Linggo

     Ang saya lang sa pakiramdam na alam mo sa sarili mo na naging makabuluhan ang araw na ito kasama ang taong mahalaga sa iyo . Ito na siguro yung araw na hindi ko inisip yung mga problema ko . Nakakapagod din kasing mag isip . hahaha mas maganda na lang siguro na gawin mong masaya ang araw na ito kaysa kakaisip sa mga problema na yun 

    kahit umuulan , niyaya ko talaga ang aking pinsan na gumala sa sm . Kahit hindi sapat ang aking pera , Keri lang ! ewan ko ba , gusto talaga ng ng paa kong gumala . Naghanap lang talaga kami ng pogi dun . Joke ! Pumorma lang kami at nagselfie hahaha pero masaya naman eii kasi may kadaldalan ako 

   Pag uwi namin dumiretso na agad kami sa simbahan syempre para magsimba . Nakakatuwa na pati padre ay ginagawang halimbawa ang tambalang ALDUB sa palabas tuwing tanghali sa eat bulaga . Binibigyang pansin daw kasi ng palabas na ito ang paraan ng panliligaw o ibinabalik nila kung paano nga ba manligaw ang isang lalaki sa isang babae . Kung tutuusin , ang daming sermon ng padre pero isalang nag pumukaw ng aking atensyon ng sinabi niya nag katagang " Minsan ka lang magmahal ng tapat . kaya ibigay mo ito sa taong karapat dapat " Napakaganda ng sinabi niya dahil sa salitang iyon iminumulat tayo sa katotohanang maraming taong pumapasok sa isang relasyon pero hindi naman totoo ang pagmamahal na ipinapakita dahilan kaya maraming nasasaktan at takot na muling magmahal . Isa pa , sa katagang ito sinasabing hindi mo kailangang madaliin ang lahat ng bagay sa iyong paligid . 

Sabado, Oktubre 3, 2015

Umasa Sa Wala

 
   Pagmulat ng aking mga mata , kaba agad ang aking naramdaman . Kaba dahil ngayon ang araw kung saan isasagawa sana namin ang ikalawang seminar sa RED CROSS . Nagmadaling maligo , naghanda ng pagkain , at ng matapos na ang lahat agad agaran kong sinundo ang aking kaklase sa kaniyang bahay upang kami ay makaalis na . Ngunit sa kasamaang palad , masama talaga nag balita dahil hindi daw tuloy ang seminar . Yung tipong nagmadali ka at ginawa mo ang lahat para makapunta pero sa huli ikaw pa rin pala ang kawawa dahil umasa ka , umasa ka sa wala . 

    Pumunta pa rin ako sa aming paaralan para dumalo naman sa praktis namain sa thespian guild pero ganun pa rin ang nangyari hindi daw tuloy . Nakakainis lang kasi hindi kami nasasabihan tuloy sayang yung pera namin, Walang napakinabangan . Sa aking pag uwi , tinulog ko na lamang ang aking inis  , mas maganda na rin yun para wala na na akong masabing makakasakit sa kanila .