Linggo, Setyembre 20, 2015

Walang Humpay Na Saya

" Walang Humpay  Na Saya "

































      Mapagpalang araw nanaman ang sumalubomg sa pagmulat ng aking mga mata . Ang makapagpasalamat sa ating panginoon na walang sawang nagbibigay ng biyaya sa akin at ang maging makabuluhan ang buong araw na ito . 

     Linggo nanaman ! Parang ang bilis ng pagtakbo ng oras , ni hindi ko pa nga nagagawa ang mga takdang aralin ko sa ibang asignatura . Yung T . L . E ko ! Nakakainis , nakakailang ulit na ako hindi ko pa rin magawa ng tama . 

 
        Sa buong araw na ito , puro tawa ako ngayon . Paano ba naman kasi puro kalokohan ang mga pinaggagagawa ng mga kaibigan ko tuloy nahahawa na ako . Isa pa , ang dami ko rin kasing natutunan sa aming seminar sa Red Cross Youth ( first aid ) Ang tamang paggamot sa isang taong naaksidente  . Nakakanerbiyos , lalo na ng nagpractical exam kami . Kahit na isang grupo yun nakakataranta pa rin . May isang taong nakaupo sa upuan at may babasahin kayong sitwasyon pagkatapos ay isasagawa mo sa kanya ang paunang lunas . Nakakataranta kasi pakiramdam ko ay totoo na talaga itong nangyayari at nalilimutan ko na lahat ng itinuro sa amin dahil sa sobrang taranta at kaba  . Di man kami ang nanalo ayos lang , ang dami ko namang nalaman . Alam ko na nag dapat at hindi dapat gawin sa paggagamot sa isang biktima  . Masaya naman kaming nagsipag uwi sa aming mga bahay , bitbit bitbit ang mga ngiti sa aming mga labi . 
  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento