Linggo, Setyembre 20, 2015

Tama Na . Tigil Na !

Hayop Na Inaabuso
  
   "Tama na , tigil na" . Kung naiintindihan lang natin ang mga hayop sa ating paligid ito na siguro ang mga linya na nais nila sa ating sabihin . Tulad rin  nating mga tao ang hayop . Nakakakita , nakakikilos , nakakapagsalita , nakakaintindi at higit sa may malaking ambag sa ating mga tao . Ngunit bakit ang daming mga tao ang nang aabuso sa kanila ? Paanong nakakayan ng kanilang mga konsensya ang pumatay ng mga inosenteng hayop ? Ito ba ang dapat na  isukli natin sa kanila ? 


      Hindi kaila sa ating lahat na isa ang mga  hayop na ating katulong sa pang araw araw nating pamumuhay at hindi rin kaila sa atin na sila ang nagsisilbing proteksyon sa mga  nais gumawa ng masama sa atin . Oo , may mga hayop na hindi layunin na saktan tayo pero nagagawa lang nila ito para protektahan ang sarili laban sa atin . Maaaring natroma sila sa mga dating nag aalaga sa kanila ngunit di kalaunan inabuso din sila .Oo  may mga ganitong pangyayari  sa ating paligid pero hindi dahilan ito para parusahan , pahirapan , abusin at patayin ang mga hayop . Kung baliktarin kaya natin ang sitwasyon , sila ang amo at ikaw ang hayop hindi ba't ganito rin ang iyong mararamdaman kung ikaw ang nasa posisyon nila ? Tama nga talaga ang kasabihang " Wag mong gawin sa isang tao o hayop ang ayaw mong gawin nila sa iyo ".kung hindi natin ititigil ang pang aabuso sa kanila malamang wala ng matitirang hayop sa mga susunod pa nating henerasyon , kung kaya't hanggat maaga pa itigil mo na , itigil na natin ang pang aabuso sa kanila at gawin nating tama .  ALAGAAN , PROTEKTAHAN at MAHALIN sila nang sa gayon ay may masisilayan pa tayong  magaganda't malulusog na mga hayop dito sa mundong ibabaw .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento