Sabado nanaman ! Ang bilis talaga ng araw . hayyssss ! maaga akong gumising para maglinis ng bahay kasi naman pinagalitan ako ni mama kahapon . haha ! tamad daw ako . Pero habang naglilinis syempre nanunuopd din ako . Diyos ko lord ! nakakakilig ang showtime . Haha , halos lahat na ng artista ay nandoon kaya ang saya panoorin . nakakawala ng pagod .
Mga hapon na rin ako natapos kasi ang dami kong ginawa . Hindi na nga ako nakapunta sa bahay ng aking kaklase ee . Mga bandang 6:00 ng hapon ay dumating ang mga kaklase ni ate . Sa akin nagpapaturo ng sayaw . Mukha ba akong dancer ? Sa bagay wellness naman yung ituturo ko medyo alam ko na rin naman yung mga step kaya tinuruan ko na lang sila . Ang saya nila kasama at may pogi pa , di na ako lugi ! Haha . kota na talaga ako .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento