Linggo, Setyembre 6, 2015

Masayang , Nakakapagod Na Sabado

Praktis Sa Thespian Guild

Ika Labing Isa Anibersaryo Ng Simbahang Katoliko Pilipino Kristino
Masayang nakakapagod na sabado para sakin ito . Masaya dahil napaka dami kong nagawa ngayon . tulad na lang ng pag punta ko sa paaralan upang magpraktis sa aming organisasyong  thespian guild . kahit nakakapagod maghapon ay sulit pa rin dahil sinasabayan pa rin namin ito ng kwentuhan at tawanan . mga bandang alas singko kami natapos . Napagpasyahan naming dumalaw sa burol ng aming kapatid sa thespian na si kuya jerome sarol . Nakakalungkot kasi may nabawas nanaman sa aming grupo pero siguro yun na din yung gusto ng ating panginoon . patawad at salamat na lang ang aking kayang sabihin sa kanya . marami rami din kaming pumunta . nagkwentuhan at nagtawanan din naman kami kahit papaano . ayaw kasi ni kuya jerome ng EMO . mga alas sais na ng hapon ng ako ay makauwi . nagpalit agad ako ng damit dahil ako ay magsisismba dahil ipinagdiriwang namin kahapon nag ika labing isa anibersaryo ng aming samahan . Nakakatuwa din naman dahil naging maayos ang takbo ng seremonya . Napaka bless ko talaga ngayong sabado .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento