Linggo, Setyembre 27, 2015

Linggong Kay Daming Gawain

           Sa tuwing sasapit ang linggo , Pakiramdam ko ang dami kong gagawin . Dito ko naiisip ang lahat ng mga gawain ko , tuloy nagmamadali akong gumawa ng mga takdang aralin . hay ! bukas ay lunes nanaman . 

      Maaga akong gumising para gawin agad ang lahat ng aking mga takdang aralin , natatakot na kasi akong gumawa pag gabi na . Inaantok na kasi ako nun dahilan para di ko magawa ang aking mga takdang aralin . Wala naman din kasi akong gagawin sa umaga kaya mainam na rin yun . Ngayon ang ingay nanaman sa aming bahay , baka hindi ko nanaman matapos ang mga gawain ko . Mag hahabol nanaman ako nito , pati ba naman dito ? lagi na lang akong naghahabol . 

Sabado, Setyembre 26, 2015

Dancerabado !

     Sabado nanaman ! Ang bilis talaga ng araw . hayyssss ! maaga akong gumising para maglinis ng bahay kasi naman pinagalitan ako ni mama kahapon . haha ! tamad daw ako . Pero habang naglilinis syempre nanunuopd din ako . Diyos ko lord ! nakakakilig ang  showtime . Haha , halos lahat na ng artista ay nandoon kaya ang saya panoorin . nakakawala ng pagod .

    Mga hapon na rin ako natapos kasi ang dami kong ginawa . Hindi na nga ako nakapunta sa bahay ng aking kaklase ee . Mga bandang 6:00 ng hapon ay  dumating ang mga kaklase ni ate . Sa akin nagpapaturo ng sayaw . Mukha ba akong dancer ? Sa bagay wellness naman yung ituturo ko medyo alam ko na rin naman yung mga step kaya tinuruan ko na lang sila . Ang saya nila kasama at may pogi pa , di na ako lugi ! Haha . kota na talaga ako . 

Sapat na !

      Aminin man natin o hindi , lahat naman tayo ay nagnanais na matamasa ang lahat ng karapatan . Pero nasa realidad tayo ng buhay . May mga bagay talaga na hindi natin nakukuha pero hindi dahilan iyon para masabi nating kulang at hindi sapat 

     Kung ako ang tatanungin kung sapat na nga ba ang nakukuha naming mga kababaihan na karapatan ? Ang sagot ko ay " OO ".
Sapat na ito para sa mga taong marunong makuntento . Sapat na ang makapag aral , makapagdesisyon , at makapagpahayag ng opinyon . Para sa akin, hindi naman kailangang lahat ay makuha natin sapat na siguro ang makuntento at maging masaya tayo sa kung anong nakukuha natin sa ngayon .


   Kung ano mang tinatamasa nating karapatan sa ngayon ay atin na lamang itong pahalagan at wag sanang abusuhin . dahil lahat ng sobra ay masama . Kaya marunong nawa tayong magpahalaga at ingatan ang karatang ating tinatamasa ngayong kasalukuyan .

Linggo, Setyembre 20, 2015

Walang Humpay Na Saya

" Walang Humpay  Na Saya "

































      Mapagpalang araw nanaman ang sumalubomg sa pagmulat ng aking mga mata . Ang makapagpasalamat sa ating panginoon na walang sawang nagbibigay ng biyaya sa akin at ang maging makabuluhan ang buong araw na ito . 

     Linggo nanaman ! Parang ang bilis ng pagtakbo ng oras , ni hindi ko pa nga nagagawa ang mga takdang aralin ko sa ibang asignatura . Yung T . L . E ko ! Nakakainis , nakakailang ulit na ako hindi ko pa rin magawa ng tama . 

 
        Sa buong araw na ito , puro tawa ako ngayon . Paano ba naman kasi puro kalokohan ang mga pinaggagagawa ng mga kaibigan ko tuloy nahahawa na ako . Isa pa , ang dami ko rin kasing natutunan sa aming seminar sa Red Cross Youth ( first aid ) Ang tamang paggamot sa isang taong naaksidente  . Nakakanerbiyos , lalo na ng nagpractical exam kami . Kahit na isang grupo yun nakakataranta pa rin . May isang taong nakaupo sa upuan at may babasahin kayong sitwasyon pagkatapos ay isasagawa mo sa kanya ang paunang lunas . Nakakataranta kasi pakiramdam ko ay totoo na talaga itong nangyayari at nalilimutan ko na lahat ng itinuro sa amin dahil sa sobrang taranta at kaba  . Di man kami ang nanalo ayos lang , ang dami ko namang nalaman . Alam ko na nag dapat at hindi dapat gawin sa paggagamot sa isang biktima  . Masaya naman kaming nagsipag uwi sa aming mga bahay , bitbit bitbit ang mga ngiti sa aming mga labi . 
  

Tama Na . Tigil Na !

Hayop Na Inaabuso
  
   "Tama na , tigil na" . Kung naiintindihan lang natin ang mga hayop sa ating paligid ito na siguro ang mga linya na nais nila sa ating sabihin . Tulad rin  nating mga tao ang hayop . Nakakakita , nakakikilos , nakakapagsalita , nakakaintindi at higit sa may malaking ambag sa ating mga tao . Ngunit bakit ang daming mga tao ang nang aabuso sa kanila ? Paanong nakakayan ng kanilang mga konsensya ang pumatay ng mga inosenteng hayop ? Ito ba ang dapat na  isukli natin sa kanila ? 


      Hindi kaila sa ating lahat na isa ang mga  hayop na ating katulong sa pang araw araw nating pamumuhay at hindi rin kaila sa atin na sila ang nagsisilbing proteksyon sa mga  nais gumawa ng masama sa atin . Oo , may mga hayop na hindi layunin na saktan tayo pero nagagawa lang nila ito para protektahan ang sarili laban sa atin . Maaaring natroma sila sa mga dating nag aalaga sa kanila ngunit di kalaunan inabuso din sila .Oo  may mga ganitong pangyayari  sa ating paligid pero hindi dahilan ito para parusahan , pahirapan , abusin at patayin ang mga hayop . Kung baliktarin kaya natin ang sitwasyon , sila ang amo at ikaw ang hayop hindi ba't ganito rin ang iyong mararamdaman kung ikaw ang nasa posisyon nila ? Tama nga talaga ang kasabihang " Wag mong gawin sa isang tao o hayop ang ayaw mong gawin nila sa iyo ".kung hindi natin ititigil ang pang aabuso sa kanila malamang wala ng matitirang hayop sa mga susunod pa nating henerasyon , kung kaya't hanggat maaga pa itigil mo na , itigil na natin ang pang aabuso sa kanila at gawin nating tama .  ALAGAAN , PROTEKTAHAN at MAHALIN sila nang sa gayon ay may masisilayan pa tayong  magaganda't malulusog na mga hayop dito sa mundong ibabaw .

Sabado, Setyembre 19, 2015

Red Cross Youth Day

first Aid
              Madugong Sabado . hahaha ! Ano bang nangyayari ngayon ? Bakit ang daming gawain ? Pero normal lang ito . Sanay naman na akong mapagod ee . :) Ngayong araw na ito ,  dudugo yata utak ko ang dami kasing itinuro sa amin sa RCY ( first Aid ) pero masaya naman kasi di naman boring yung nagtuturo sa amin . Tapos dagdag kaba pa kasi pag alis namin sinabi na magkakaroon kami ng pagsusulit . Ano ba yan ! Diyo ko lord ! haha  Ang sarap lang pagtripan ng mga katabi ko . Grabe napagod talaga ako hindi dahil sa andami naming ginawa kundi ang tagal naming nakaupo doon . Inaantok na nga ako ee pero buti na lang nagpapatawa sila . Okeyy na rin yun . Kaso hindi ko napanood ang showtime ! malas naman :( :P hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanila tsk ! inis talaga ! pag uwi ko diretso agad ako sa kumpyuteran kasi papanoorin ko nalang . putol putol nga lang pero okeyy na rin yun . 

Biyernes, Setyembre 18, 2015

Super Kilig Ever !

                                                                                                                                                                                                            ON THE WINGS OF LOVE !                                                                                                                                    




Ohhh my goshh ! This teleserye ! Grabe ! Super nakakakilig talaga ang scene na ito . The way na magbatuhan sila ng mga linya nila  , the way na kumilos at magkaroon ng eye contact sa isa't isa . Napaka realistic ng palabas na ito and honestly ito naman talaga nararamdaman naming mga kabataan ee . Everytime na  ipapalabas this , i can't explain my feeling . Kita mo napapa english na ako sa sobrang kilig hahah ! Natatawa , Napapangiti ng abot langit at the  same time ofcourse kinikilig with matching talon at hampas a kung sino man ang matiyempuhang tumabi sa akin . Kaya late na ako nakakatulog because of this  , but its okeyy im super happy naman kapag matutulog na ako at pagpasok sa paaralan di na ako magugulat kung pare parehas kami ng topic . Paano ba naman kasi hindi  kikiligin kung kagaganda at super gwapo ng bida . feeling ko nga ako na si lea na kulot at pabebe , new version lang ang peg ! hahah . Lahat na yata ng nararamdaman ng isang kabataan ay nandito na kumbaga full pack na talaga . Halos maihi na nga ako sa kilig at gusto ko nang pumasok sa screeng tv namin ee kasi naman  may mga spark talaga sa mga mata nila . hayyyy ! basta ! kinikilig talaga ako , tinalo pa nila ang teleseryeng pangako sayo at porebermor sa pagpapakilig sa akin . The best ang palabas nito .

ACHiEVE ! DIYOS KO LORD ! PUSH !

Tara Sa Korea


Lahat tayo ay ninanais na makarating sa iba't ibang bansa . isa na riyan ay ang bansang korea .  Kung ako ang tatanungin kung ano ang gagawin ko kung saka sakaling makarating ako doon  . Narito ang aking mga nais puntahan at gawin :
Sikat Na Mga Artista
Jeonju 
          
                                                                                                        
Mga Kasuotan sa Korea











                                                                        
                                                                                                                                                                                                                                          

Kimchi
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                           


Sikat Na Beach

Sikat Na Lugar Sa Seoul

KPoP

Teatro Sa Korea

Hotel Leu , Jeju South korea         
Ang Lugar Sa Seoul

Iyan ang mga nais kong gawin kung saka sakaling makapunta ako sa bansansang korea . 

Linggo, Setyembre 6, 2015

Masayang , Nakakapagod Na Sabado

Praktis Sa Thespian Guild

Ika Labing Isa Anibersaryo Ng Simbahang Katoliko Pilipino Kristino
Masayang nakakapagod na sabado para sakin ito . Masaya dahil napaka dami kong nagawa ngayon . tulad na lang ng pag punta ko sa paaralan upang magpraktis sa aming organisasyong  thespian guild . kahit nakakapagod maghapon ay sulit pa rin dahil sinasabayan pa rin namin ito ng kwentuhan at tawanan . mga bandang alas singko kami natapos . Napagpasyahan naming dumalaw sa burol ng aming kapatid sa thespian na si kuya jerome sarol . Nakakalungkot kasi may nabawas nanaman sa aming grupo pero siguro yun na din yung gusto ng ating panginoon . patawad at salamat na lang ang aking kayang sabihin sa kanya . marami rami din kaming pumunta . nagkwentuhan at nagtawanan din naman kami kahit papaano . ayaw kasi ni kuya jerome ng EMO . mga alas sais na ng hapon ng ako ay makauwi . nagpalit agad ako ng damit dahil ako ay magsisismba dahil ipinagdiriwang namin kahapon nag ika labing isa anibersaryo ng aming samahan . Nakakatuwa din naman dahil naging maayos ang takbo ng seremonya . Napaka bless ko talaga ngayong sabado .

Maligayang Pagdating Buwan Ng Setyembre



         Maligayang pagpasok setyembre !  Napakabilis talaga ng pagtakbo ng oras biruin mo setyembre na agad . Nandito na yung mararamdaman natin ang simo'y ng kapaskuhan . Sa pagdating nito marami nanaman ang mabubuhayan . Pupunta sa kani kanilang mga ninong at ninang . Sa tuwing sasapit ito parang napakabilis talaga ng mga araw . Yung tipong linggo palang ngayon tapos mamamalayan mo martes na pala . hahaha !


       Sana sa buwang ito ay magkaroon na ang  bawa't isa ng pagbibigayan , manatili ang pagmamahalan at pagkakawang gawa . Hindi lang sana natin gawin ito sa tuwing sasapit ang setyembre , sana araw araw , dahil ang buwang ito ang siyang nagpapaalala sa atin na malapit na ang kapaskuhan at manatili nawa sa atin ang pagbibigayan .