Sabado, Nobyembre 14, 2015

Realisasyon Sa Parabula Ng Banga

     Napakahalaga para sa ating lahat ang magdesisyon . May mga mapektuhan sa bawat desisyon na gagawin mo , May masasaktan at masasaktan  pa din . Pero sa pagsasagawa ng desisyon kailangan muna nating isipin ang kapakanan ng lahat at ng iyong sarili . 

    Hindi namang masamang makipagkaibigan o sumama sa hindi mo kapantay , Ang mahalaga ay alam mo wala kang nasasaktan  sa bawat galaw mo . Alam mo rin dapat kung saan ka lulugar . minsan kasi laging nakatatak sa atin ang salitang pantay pantay pero hindi naman talaga yun ang katotohanan . may mga bagay na dapat tayong lumugar upang walang masaktan at mapahamak . 

    Sa kwento sa parabula ng banga . Hindi niya nagawang tuparin ang bilin ng kanyang ina kung kaya't siya ay napahamak . Sa Toong buhay ganito din naman ang nangyayari maraming mga anak sa ngayon ang sumusuway sa kanilang mga magulang at  sa di pagsunod ay nagdudulot ng kapahamakan sa sarili . 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento