Global Diabetes Walk |
Sa aming pagdating ay agad naming nakita ang isang guro at sinabi Nagsimula na ang parada kung kaya;t kami ay sumunod na lamang .Nang matapos na ito , ay nagsimula na ang programa . Ilan sa mga nagsalita dito ay ang mga bisita . Pinakilala din ang mga paaralan na dumalo maging ang mga punong guro sa bawat paaralan at ng matapos na ang programa ang siya namang pagsisimula ng aming zumba . nakakatuwa dahil lahat halos lahat naman ay nakilahaok at isa pa ay dahil magaling dinang instructor . "sige giling pa " . hahaha ! baganat nakakapagod at masakit talaga siya sa katawan lalo na at hindi ka masyado kagalingan sa pag kembot pero masaya naman .
Tunay nga na makakapal talaga ang mukha namin , dahil nakayanan naming pumunta sa unahan ng intablado at magsasasayaw sa harap ng maraming tao pero keri lang ang mahalaga ay masaya kami at nag enjoy ang bawat isa . Sa aming Pag uwi , ay siyang pagbaba ng enegry at pagsakit ng ulo ko idagdag pa ang amoy sa track ng basura at sa aing pagsisiksikan doon .
Nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong nagluto ng aking makakain , nakakagutom din kasi ! hahaha ! pagkatapos kong kumain ay gagawin ko na sana ang aking mga takdang aralin ngunit pinangunahan ako ng antok kung kaya't natulog na lang ako .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento