Sabado, Nobyembre 21, 2015

Aking Huwarang Magulang



          Wala na sigurong papantay sa pagiging isang huwarang magulang ng aming mama at papa . Simula sa paglabas sa mundong ginagalawan ay pasan na agad nila ang isang napakabigat na responsibilidad . Responsibilidad nahindi aaaring balewalain at ipagwalang bahala . 


        Sa aking paglaki , ramdam ko ang kanilang suporta at pagmaahal hindi lang sa akn kundi sa akin ding mga kapatid ngunit mas ramdam ko ang kanilang pagod sa pagtatrabaho . Masasabi kong dugo't pawis ang kanilang puhunan . Kayod dito , kayod doon , yan ang walang sawa nilang ginagawa upang matustusan lamang ang aming pangangailangan magkakapatid . Wala nga silang paki kung gabihin a sila sa pag uwi ang mahalaga ay may maiuwi sila na sapat na pera para sa amin . 




          Sa aking nanay na minsan ko na lang makita dahil nagtatrabaho at laging may baon baong pangaral sa aming magkakapatid  . Wala na sigurong tatalo sa pagiging masungit at disiplinado niyang ina saamin . Oo masungit talaga siya  , parating maingay saaming bahay , pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na siya mahal . Naiintindihan ko rin naman kung bakit ganoon siya . Siguro dahil gusto niya lang kaming matuto sa lahat ng bagay at ipairal ang isang pagiging isang disiplinadong anak . Hinding hindi rin siya nagkukulang sa amin pagdating sa pagpapayo . 


   Sa akin namang papa na walang kapagod pagod sapagtatrabaho at halos puro kalyo na ang kaniyang kamay at paa ay hindi parin siya tumutigil kumayod upang may maibigay lang sa amin . Siya rin ang " wonder tatay ko " dahil siya ang laging tagasalo at tagapagtanggol ko sa tuwing pinapagalitan ako ng aking ina . Hindi uso sa kanya ang salitang " pahinga " at " holiday " ang alam lang niya ay magtrabaho ng magtrabaho . 

        Si papa yung taong ' less dada , more gawa ". Tahimik lang siya pero pag nagalit naman grabe mapapaiyak ka na lang sa mga salita na sinabi niya sayo . Isang salita pa lang niya ay tagos sapuso . Mataas ang pangarap niya sa aming tatlo at satuwing siya'y lasing , doon niya pinapaalala ang lahat , doon niya sinasabi na napapagod na siya pero kaya pa naman daw niya , Siguro kaya niya doon lang nasasabi ay dahil may lakas na siya ng loob . sa tuwing sinasabi niya ito , nalulungkot ako dahil ramdam ko din kahit hindi niya sabihin , ramdam ko ang pagod . Hindi ko rin naman siya masisisi kung napapagod na siya dahil sobra sobra na ang kaniyang mga nagawa sa amin . 

     Hindi sila perpektong magulang , nagkakamali at nakakasakit rin minsan pero hindi iyon dahilan para hindi sila pahalagahan . Maraming salamat po sa lahat . Isa po kayong Huwarang magulang . 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento