Sabado, Nobyembre 21, 2015

Pangako Ng Diyos

   
       Bata pa lang iminulat na ako ng aking mga magulang sa iisang diyos at tagapagligtas ng sanlbutan . Bata pa rin ako ng magkaroon kami ng bible study , ito'y patungkol sa mga aral ng diyos na dapat nating isabuhay . 

      Bilang isang estudyante , ano nga ba nag nais mong tahakin sa pangako ng diyos ? Ang hirap ng tanong!  kasi kung ako mismo hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung ano nga ba ? 
hindi na ako magpapaligoy ligoy pa . Bilang isang estudyante na nabubuhay sa mundong ibabaw ang nais ko lang namang tahakin sa pangako ng diyos ay  maniwala at magtiwala sa kanyang mga pangako sa atin . sundin ang kanyang mga utos para sa ating ikabubuti at ikaliligtas . 

     Marami akong nais tahakin bilang estudyante , pero sapat na siguro ang mga ilan sa mga nabanggit ko upang maniwala sa mgapangako ng diyos . 

APECTADO ?? ( Sabado at Linggo )

       
      Biyernes pa lang ng gabi ramdam ko ang pananakit ng ilan sa mga parte ng aking katawan . Ramdam ko din ang panghihina ko kaya nagpasya akong magpahinga muna saglit . Aabangan ko pa sana ang dalawa sa pinakabarito kong palabas tuwing gabi ang " pangako sayo " at " on the wings of love " kaso hindi na kinaya ng aking mga mata . SUSUKO DIN PALA  ! . 


       Kinaumagahan akala ko gagaling din ang masamang pakiramdam ko ,  kaso nagtuloy tuloy ito dahilan para hindi ako makapunta sa aming praktis sa theather . nagpahinga na lang muna ako kahit alam kong marami pang mga takdang aralin ang dapat kong gawin . Gusto kong magpahinga pero paano ko yun gagawin kung ang iingay ng mga kapitahay namin . Walang kasawa kasawang kumakanta . di naman makaramdam . Okeyy lang sana kung saglit lang kaso , maghapon eii . Kaya imbis na magpahinga ako ay ginawa ko na lamang ang aking mga takdang aralin . Namomoroblema pa ako sa AP ko , Diyos ko po ! buti na lang ay may loptop ang kuya ng kaibigan ko pero ganun din siya lang nakagawa ako hindi . Mga bandang 7:00 pm ay dumating na si papa galing trabaho kaso nasamahan ako ni ate magkompyuter at salamat naman at sa araw na iyon ay may natapos ako kahit papaano na gawain 


       Ngayon naman na araw ng linggo ay ganun pa rin ang aking ginagawa ko hahaha !walang pagbabago . gagawa ng mga takdang aralin kahit may sakit pa rin . Okeyy lang ! kaya pa naman eii ! bago ako magkompyuter ay naglinis muna kami ng bahay katulong sila mama at papa para di sila magalit sa akin hahaha ! 

Aking Huwarang Magulang



          Wala na sigurong papantay sa pagiging isang huwarang magulang ng aming mama at papa . Simula sa paglabas sa mundong ginagalawan ay pasan na agad nila ang isang napakabigat na responsibilidad . Responsibilidad nahindi aaaring balewalain at ipagwalang bahala . 


        Sa aking paglaki , ramdam ko ang kanilang suporta at pagmaahal hindi lang sa akn kundi sa akin ding mga kapatid ngunit mas ramdam ko ang kanilang pagod sa pagtatrabaho . Masasabi kong dugo't pawis ang kanilang puhunan . Kayod dito , kayod doon , yan ang walang sawa nilang ginagawa upang matustusan lamang ang aming pangangailangan magkakapatid . Wala nga silang paki kung gabihin a sila sa pag uwi ang mahalaga ay may maiuwi sila na sapat na pera para sa amin . 




          Sa aking nanay na minsan ko na lang makita dahil nagtatrabaho at laging may baon baong pangaral sa aming magkakapatid  . Wala na sigurong tatalo sa pagiging masungit at disiplinado niyang ina saamin . Oo masungit talaga siya  , parating maingay saaming bahay , pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na siya mahal . Naiintindihan ko rin naman kung bakit ganoon siya . Siguro dahil gusto niya lang kaming matuto sa lahat ng bagay at ipairal ang isang pagiging isang disiplinadong anak . Hinding hindi rin siya nagkukulang sa amin pagdating sa pagpapayo . 


   Sa akin namang papa na walang kapagod pagod sapagtatrabaho at halos puro kalyo na ang kaniyang kamay at paa ay hindi parin siya tumutigil kumayod upang may maibigay lang sa amin . Siya rin ang " wonder tatay ko " dahil siya ang laging tagasalo at tagapagtanggol ko sa tuwing pinapagalitan ako ng aking ina . Hindi uso sa kanya ang salitang " pahinga " at " holiday " ang alam lang niya ay magtrabaho ng magtrabaho . 

        Si papa yung taong ' less dada , more gawa ". Tahimik lang siya pero pag nagalit naman grabe mapapaiyak ka na lang sa mga salita na sinabi niya sayo . Isang salita pa lang niya ay tagos sapuso . Mataas ang pangarap niya sa aming tatlo at satuwing siya'y lasing , doon niya pinapaalala ang lahat , doon niya sinasabi na napapagod na siya pero kaya pa naman daw niya , Siguro kaya niya doon lang nasasabi ay dahil may lakas na siya ng loob . sa tuwing sinasabi niya ito , nalulungkot ako dahil ramdam ko din kahit hindi niya sabihin , ramdam ko ang pagod . Hindi ko rin naman siya masisisi kung napapagod na siya dahil sobra sobra na ang kaniyang mga nagawa sa amin . 

     Hindi sila perpektong magulang , nagkakamali at nakakasakit rin minsan pero hindi iyon dahilan para hindi sila pahalagahan . Maraming salamat po sa lahat . Isa po kayong Huwarang magulang . 

Sabado, Nobyembre 14, 2015

Ikembot Mo ! ( sabado )

 
Global Diabetes Walk
      Isa nanamang makabuluhang ang araw na ito . Maaga palang umalis na kami ng aking kaklase upang pumunta sa paaralan at maghintayan dahil kami ay pupunta sa Ynares center upang dumalo sa programa nilang " Global Diabetes Walk " . Marami kaming sumama kaya naman masaya lalo na ng sumakay kami sa track ng basura 


      Sa aming pagdating ay agad naming nakita ang isang guro at sinabi Nagsimula na ang parada kung kaya;t kami ay sumunod na lamang .Nang matapos na ito , ay nagsimula na ang programa . Ilan sa mga nagsalita dito ay ang mga bisita . Pinakilala din ang mga paaralan na dumalo maging ang mga punong guro sa bawat paaralan at ng matapos na ang programa ang siya namang pagsisimula ng aming zumba . nakakatuwa dahil lahat halos lahat naman ay nakilahaok at isa pa ay dahil magaling dinang instructor . "sige giling pa " . hahaha ! baganat nakakapagod at masakit talaga siya sa katawan lalo na at hindi ka  masyado kagalingan sa pag kembot pero masaya naman . 

       Tunay nga  na makakapal talaga ang mukha namin , dahil nakayanan naming pumunta sa unahan ng intablado at magsasasayaw sa harap ng maraming tao pero keri lang ang mahalaga ay masaya kami at nag enjoy ang bawat isa . Sa aming Pag uwi , ay siyang pagbaba ng enegry at pagsakit ng ulo ko idagdag pa ang amoy sa track ng basura at  sa aing pagsisiksikan doon . 

      Nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong  nagluto   ng aking makakain , nakakagutom din kasi ! hahaha ! pagkatapos kong kumain ay gagawin ko na sana ang aking mga takdang aralin ngunit pinangunahan ako ng antok kung  kaya't  natulog na lang ako .

Realisasyon Sa Parabula Ng Banga

     Napakahalaga para sa ating lahat ang magdesisyon . May mga mapektuhan sa bawat desisyon na gagawin mo , May masasaktan at masasaktan  pa din . Pero sa pagsasagawa ng desisyon kailangan muna nating isipin ang kapakanan ng lahat at ng iyong sarili . 

    Hindi namang masamang makipagkaibigan o sumama sa hindi mo kapantay , Ang mahalaga ay alam mo wala kang nasasaktan  sa bawat galaw mo . Alam mo rin dapat kung saan ka lulugar . minsan kasi laging nakatatak sa atin ang salitang pantay pantay pero hindi naman talaga yun ang katotohanan . may mga bagay na dapat tayong lumugar upang walang masaktan at mapahamak . 

    Sa kwento sa parabula ng banga . Hindi niya nagawang tuparin ang bilin ng kanyang ina kung kaya't siya ay napahamak . Sa Toong buhay ganito din naman ang nangyayari maraming mga anak sa ngayon ang sumusuway sa kanilang mga magulang at  sa di pagsunod ay nagdudulot ng kapahamakan sa sarili .