Sabado, Pebrero 27, 2016

Sabado at Linggo

    Buong sabado ng hapon  yata akong tinatamad at nakahiga lang sa bahay . Ewan ko ba pakiramdam ko ee dama ko pa din yung pagkatalo namin ! hahaha ang nagawa ko lang yata ay nagsaing at nagsulat ng ipopost sa blog ko. pagka tanghali ay natulog ako at medyo madilim na ng ako ay nagising .
 
  Kinabukasan ay maaga akong nagising ,  ngayon ko kasi gagawin lahat ng aking takdang aralin kaya maaga akong pumunta sa computer shop upang mag post sa blog , matagal tagal na rin kasi akong  di nakakapagsulat dito ee . Medyo marami rami din ang naiwang trabaho sa akin kaya kahit tinatamad ako ay kailangan ko magsipag at pigilan ang aking sakit na katam . Sana lang ay wag akong matuksong antukin mamaya . At sana lang ay matapos ko ang aking mga takdang aralin sa iba't ibang asignatura. 

Laro ko noon , laro ko pa rin ngayon



     Isa sa mga paborito kong laruin noong ako ay bata pa ay ang paglalaro ng " CHINESE GARTER " . Halos lahat yata ng bata ay naadik sa larong ito . Bukod kasi sa masaya siyang laruin ay nakakatulong pa ito sa ating katawan at kalusugan lalo na sa mga matataba ! . Sa larong ito ay mayroon kang kakampi , minsan maiiinis ka kasi nabuburot na kayo kasi hindi marunong yung kakampi mo . Haha oo nangyayari talaga iyan sa isang laro . Nakikipag away pa nga ako kapag natatalo na ako at minsan gabi na ako nakakauwi dahil lang sa larong ito . 
     Hanggang ngayon ay gusto ko pa rin siyang laruin . kaso minsan nakakahiya lang talaga dahil sa dalaga na ako at hindi na ito angkop na laro sa aking edad. Pero kung minsan ay nilalaro talaga namin ito ng aking mga kaibigan kapag kami ay magkakasama. 

Sawing Nagwagi

    Noong pebrero 26 ay ginanap namin ang field demonstration sa aming paaralan . Maaga rin kaming pumasok upang maghand at mag ayos ng sarili . May halong kaba at pagkagalak ang aming naramdaman . Saya dahil minsan lang naman namin ito gawin at kaba naman dahil hindi namin alam kung sino ang mananalo . 


    Isa sa pinaka masayang pangyayari sa arw na iyon ay nang sumayaw na kami sa harap ng maraming tao . wala na rin kasi sa isip ko kung mananalo ba akami basta ang nais gusto ko lang ay maenjoy namin ang pagsasayaw . Masayang sumayaw lalo na't ang daming kinikilig at naghihiyawan sa aming step sa sayaw . Ngunit isa sa pinakamalungkot naman na pangyyari doon ay ng inanunsyo na kung sino ang nanalo at hindi kami iyon . Oo hindi kami ! Bago pa yun ay dalawang grupo na lang kasi ang natititra kami at ang isang grupong magaling rin . kaya kinabahan na kami kasi magaling iyon at  bongga yung kasuotan nila . Medyo nakakasama ng loob kasi wala man lang kaming nakuha pero ayos lang deserve naman nilang manalo ang mahalaga ay naging masaya kami . kaya kami ngayon ay "sawing nagwagi " Sawi dahil di kami nanalo pero nagwagi dahil alam naman namin na naging masaya kami . 

Seryosong Nakakatawa




      Isa sa mga karanasan ko noong ako ay bata pa ay ng ako ay ng nakipag away sa aking mga kaibigan . Minsan kasi bati kami , minsan naman hindi  hahaha pero yung totoo ? madalas talaga na hindi kami bati  . Paano ba naman lagi nila akong inaasar na kulot daw ang aking buhok ee totoo naman . Ganun siguro talaga kapag bata pa. . Iyon ang mga asaran namin noong bata pa ako at syempre dahil bata pa ako ay napipikon agad ako hanggang sa humahantong sa sapakan ! dahil tapang tapangan ako nun ay halos araw araw yata akong may uwing sugat sa katawan . madadagdagan pa iyon kasi papaluin pa ako ni mama . Kinabukasan ay sumugod sa bahay ang nanay ng aking kalaro syempre  natatakot na ako baka kasi mag away yung nanay ko at yung nanay na sumugod . si ako naman ay pinagpapaliwanag kung bakit ko daw sinapak yung anak niya . Nakakatakot btalaga kasi ang laki ng boses at mukhang matapang pa kaya wala akong nagawa kundi umiyak na lamang . 

    Ngayon na nasa tamang edad na ako . Sa tuwing naaalala ko iyon ay natatawa na lamang ako at nahihiya sa sarili . Na ang akala kong sobrang bigat na problema ay isa lang pa lang nakakatawang pangyayari sa aking buhay 

T. L . E Exhibit

    Sa oras ng aming asignaturang filipino ay pinalabas kami sa aming silid aralan upang tingnan ang mga pinaghirapang gawa ng bawat estudyante patungkol sa asignaturang T. L.E . Isa na rito ang aming miniture house na siya namang bumida sa mga mata ng mga estudyante , meron ding iba't ibang klase ng tahi , ang paggawa ng mini computerat ang pagtitinda doon ng ilang mga estudyante . 

    Nakakatuwa kasi nadoon yung gawa ko . Ilang araw ko din iyong pinaghirapan aa hahah. Talagang nakakatuwa dahil sa pamamagitan nito ay nabibigyang halaga nila ang gawa ng mga estudyante na siyang nagiging dahilan upang mas lalo pa naming pagbutihin ang aming gawa.

Happy Sundate




       Hindi na bago sa ating lahat ang pagdiriwang ng araw ng mga puso tuwing sasapit ang ika 14 ng pebrero taon taon . Ito ay araw ng pagpaparamdam mo ng pagmamahal sa isang tao , Mapabata man o mapabata ay ipinagdiriwang ito . Ngunit tila mas kapansin pansin ang pagdiriwang nito ng mga taong umiibig at mayroong karelasyon . Iba't iba rin ang kanilang paraan upang mapasaya ang kanilang minamahal . mayroong dinadaan sa kanta , tula , sayaw at syempre ang pinaka modernong gawain ng mga lalaki , ang pagbibigay ng ng mga mamahaling tsokolate at bulaklak sa kanilang minamahal . Yung iba pa nga ay  Pumupunta sa isang lugar na tahimik at nanamnamin ninyo ang bawat minuto na magkasama kayo at ang pagsasabi ng " I LOVE YOU " sa kanya bago pa man matapos ang araw na magkasama kayo . Ganoon kahalaga ang araw ng mga puso . 


      Hindi sa " BITTER " ako dahil sa wala akong karelasyonb . Kaso minsan nakakalungkot at napapaisip lang ako , kasi yung iba ginagawa lang nila ito tuwing araw ng mga puso at yung iba ay hindi pa totooang ipinapakita . Ang gusto lang nila ay mambola ! sana hinsi ganun , sana araw araw nating iparamdam ang pagmamahalan , sana totoo ang ating ipinapakita sa ating kapwa at sana matuto tayong unang magpasalamat sa ating panginoong diyos bago sa iba at nawa hindi lang salitang "SANA" ang lahat ng ito .




      At dahil araw ng mga puso , ipinagdiwang din namin ito . Ooops ! hindi ng boyfriend aa , wala kasi ako nun . Kundi ng mga kaibigan ko . simple lang ang ginawa namin pero sobrang saya .. kumain lang sa food court , nagkwentuhan , nagtawanan , nagselfie at naglandi din saglit . Hahaha di naman yung maiiwasan ee lalo na kung maraming pogi pagkatapos nun ay pumunta kami sa quantum at naglaro .


 Kung tutuusin ay kulang ang isang araw sa amin . Pag uwi ko sa bahay ay napaisip ulit ako na minsan hindi basehan ng tunay na pagmamahal ang pagkakaroon ng karelasyon , Minsan kasi sapat na na mayroon kang mga kaibigang laging nagpapaalala sayo kung gaano kahalaga ang pag - ibig .

Linggo, Pebrero 7, 2016

#CHARACTERDS PARADE


#PANGKAT1

       Nang amin itong ginagawa ay medyo kinakabahan ako dahil sa hindi ko kabisado ang aking mga sasabihin at baka hindi rin maging maganda ang aming presentasyon , pero sa awa naman ng diyos ay nairaos din namin . Habang ako ay nanunuod , natuwa ako sa ilang mga karakter nas kanilang ginampanan , gaya na lamang ni sisa na ginampanan ni jackielyn bonganay . Natuwa ako dahil sa sineryoso niya ang kaniyang karakter . Maganda at nakakatawa ang kaniyang ginawa . Ngunit Sa ilan naman ay medyo hindi ako natuwa . Para lang kasi nilang kinabisado ang kanilang mga linya at nakatayo lang sila sa unahan kung kaya't nakaka boring panoorin . 

    Sa akin namang ginampanan ay medyo natuwa ako , dahil alam ko na nagampanan ko naman ang aking role pero hindi nga lang gaun kahanda . Nahirapan din kasi akong maghanap ng damit na aking susuutin . Buti na lamang ay may mga nahiraman ako . 

#DONYAVICTORINA

      Maganda ang naisip ng aming guro sa asignaturang filipino dahil mas madali naming nakikilala ang mga ilang tauhan sa akda ni Dr. Jode Rizal  na Noli Me Tangere at mas madali rin naming nakikilala kung ano nga bang klaseng pagkatao mayroon ang karakter na ito . Nag enjoy kami sa aming ginawa at isa na rin itong magandang karanasan sa amin bilang isang estudyante . 

Sabado at Linggong magkakasama


#MILLIONVOLUNTEERRUN3 
#9-ANTIPOLO

      Araw ng sabado ay maaga na akong gumising upang mag asikaso ng aking pagkain dahil iyon rin ang araw ng pagpunta namin sa ynares upang ganapin ang " Million Volunteer Run 3 " sa red cross . Ito ay nation wide kung kaya't marami rin ang sumali at tumakbo . Masaya na nakakapagod ang araw na ito . Masaya dahil may nagawa akong kakaiba sa araw na ito . Nakakapagod dahil sa medyo may kalayuan ang aming tinakbo 

      Nang matapos na ang Fun run , agad kaming dumiretso sa bahay ng aking kaklase upang magpahinga , makalipas ang ilang oras ay pumunta na kami sa marikina upang mamili ng mga sangkap na aming ibebenta sa martes . Di na rin kami naggala , mabigat din kasi ang aming dalahin . Hapon na ng kami'y makauwi sa aming mga bahay . kaya naman ay nagpahinga na rin ako .

     Kinabukasan , araw ng linngo ay umalis ako sa aming bahay ng 10:00 ng umaga dahil sa gagawa kami ng keos sa bahay ng aking kaklase . Kailangan na rin kasi iyong matapos at syempre kailangan na maging maganda iyon para di naman nakakahiyang ipakita sa mga mamimili . Halos maghapon din kaming gumawa ng aming proyekto sa asignaturang E.S.P Kaya't ramdam nanaman namin ang pagod at pagkaantok . Pero sa kanilang banda naman ay para rin ito sa aming marka at sa ganda ng aming magagawa.