Lunes, Enero 11, 2016

The Adventure Of Stripe And Yellow

   

 Hindi madali ang ginawa ng bawat isa sa entablado para lang pasayahin at bigyan ng isang panibagong aral ang bawat isa sa pamamagitan ng kanilang pag arte . Taon taon iba't ibang aral ang kanilang ipinapakita . Masasabi ko talagang ito'y lubos na pinaghandaan ng mga tao a likod nito dahil hindi naman magiging maganda ito kung hindi nila pinagpursigihan .

 

  Nakakatuwa lang ang istorya nila ngayong taon . Dahil pambata at sa una inisip ko na mukhang di ito papatok sa mga estudyante dahil nga sa ito'y pambata at ang mga manonood ay mga dalaga at binata na pero , papatok at papatok pa rin talaga ito dahil sa magagaling ba bida sina stripe at yellow .

 

     Ilan sa mga bumida sa istoryang ito ay sina Mama Tree . Papa Tree , Birdling , Lady Bug , Dragon , Hopper , Anthor , King Leo , Mrs. Gray , at ang dalawang bida na sina sripe at yellow . Ang kwento ay tungkol dalawang magkaibgan na kung saan ang isa sa kanila ay hinahanap kung ano nga ba talaga siya at kung ano ang makakapagpasaya sa kanya at si yellow naman ang tumutulong kay stripe para maghanap ang sarili . Nangangarap na balang araw ay makakalipad din sila . Kung tutuusin , Napakaraming aral ang ang ating makukuha dito. isa sa mga di ko makakalimutang linya ni king leo ay tanggapin mo at mahalin mo ang iyong sarili kahit na ang iba ay ayw sayo . 

Lunes, Enero 4, 2016

Bagong Taon

    Hayyy ! bagong taon na ! ang bilis lang ng taon para sa akin . Pero sa tuwing sasapit ang bagong taon ay talaga namang di maipinta ang kasiyahan ng bawat isa at isa ako sa mga yan . Syempre di naman ako papahuli sa kasiyahan . Dapat lang naman talaga iyon dahil patunay lamang iyon na , masaya tayong at nalagpasan nanaman natin ang isang taon . Isang taong madaming pinagdaanan , may tawanan , iyakan , kulitan , inisan , harutan at kiligan . Nakakatuwa kasi ang daming nangyari sa loob ng isang taon . 

    Maaga palang naghanda na kami para di na hasel sa gabi at para kakain na lang . Haha 1 nagsimba muna kaming pamilya at pagkauwi namin ay may mga nag iinuman sa tapat namin . Ang tagal mag alas dose at medyo dinadalaw na rin ako ng antok kaya umidlip muna ako saglit at 11:30 na ako ng magising at dahil pa iyon sa mga kaibigan ko na nanggising sa akin . pero salamat  ! 

    Nang sumapit na ang 12:00 , syempre tumalon ako , naniniwala pa rin kasi ako sa ganun eii . Marami ang nagpapaputok kaya di rin ako lumabas ng bahay , lumabas lang ako ng wala ng nagpapaputok . Hahaha ! oo masaya talaga kasi binati niya ako <3 kilig ? oo na , ! ehem ! kaso saglit lang kami nag usap .tama na . Basta hindi lang masaya ang bagong taon ko kundi sobrang saya . 

Rizal Day

Dr. Jose Rizal

Dahil rizal Day , wala naman akong masyadong ginawa ng mga panahong ito . Dahil ginugunita natin ang kabayanihan niya ay may mga pinalabas sa telebisyon patungkol sa kanya . Nagbigay ng kaunting impormasyon sa kanya  .

Pagkatapos naming manood ay umalis kami kasama ko ang aking mga kaibigan . Medyo malayo layo rin ang aming pinuntahan kaya naman gabi na rin g kami ay nakauwi at sakto pag uwi ko ay may palabas nanama patungkol kay  Dr. jose rizal pero di ko na rin iyon natapos dahil gabing gabi na rin .

Pangako Ko

     Hindi ko na mabilang kung ilang pangako na ang naipangako ko taon taon , Hindi ko na rin alam kung ilang pangako ko na ang NATUPAD at HINDI . At ngayon , panibagong pangako ko nanaman ang kailangan kong maipangako at matupadpara sa sarili ko . 

    Dahil malapit na ang 2016 , Pangako ko na di na ako masyadong aasa sa iba , pansin ko kasi na nakasanayan ko ang ganoong ugali sa taong 2015 at lama ko na hindi iyon maganda tingnan lalo na at babae ako . Isa pa ay mas lalo akong magsisipag sa pag aaral dahil iyon lang nam,an ang gusto ng aking mga magulang at nawa ay m,atupad ko ito . Hindi man mabilisan pero oonti ontiin ko ito 


Hindi na ri ako magpapahuli , dahil may pangako ako , Gusto kong mag pasalamat sa kanila at iba pa . Sa mga masasaya pangyayari na kasama ko kayo salamat ng marami :) 

Christmas Evening

      Hi ! Halos lahat ng tao sa bahay ay abalang abala sa pagluluto para sa pagsalubong namin sa kapaskuhan . Iba't ibang putahe ang kanilang niluluto at syempre di mawawala ang kanilang utusan . hahaha ! Medyo nakakapagod din pala pero ayos lang ako rin naman ang kakain eii . Isa pa ay nakasanayan na rin kasi namin ang ganitong gawain , ang sabay sabay kumain .

    Pero ngayon , di namin iyon nagawa ng sabay sabay . Nagsinba pa kasi kaming magkakapatid upang salubungin ang araw ng pagsilang ng ating panginoon . Ala una na rin ng matapos ang misa kaya tanging sila mama , papa at ang aking pinsan na lamang ang nagsasalo salo sa kanilang hinandang putahe. Pinilit namin g humabol pero di talaga eii .... !

    Pag uwi ko sa aming bahay , ang tangi ko na lamang naabutan ay ang nakatakip na pagkain para sa amin at pagkakita ko sa kanila ay mga tulog na . Nakakalungkot lang na hindi kami nakahabol . Minsan lang kasi namin iyon ng sabay sabay eii pero okeyy na rin kasi para kay god naman ang aming ginawa.

Wish List

      Hindi na siguro mawawala taon taon ang paghingi ng wish list sa tuwing sasapit ang kapaskuhan. Hindi na rin mawawala ang mga ngiti sa labi ng bawat isa sa tuwing sila ay tinatanong siguro dahil isa sa mga hiling nila ay maaaring matupad . Bentang benta ito lalo na sa mga bata . 

    Masasabi kong isa ako sa kanila na ang tanging gusto ay kasiyahan . Isa ako sa nag aabang sa tuwing sasapit ang kapaskuhan , Isa ako sa nagsususlat ng wish list at naghahangad na matupad ito . Ngayon , kung tatanungin ako kung ano ang wish ko ngayong pasko ay ang .........

1) Maging ligtas , malusog at malayo sa kapahamakan dahil bilang isang ordinaryong tao , wala na sigurong hihigit pa doon sapat na ang masaya at simpleng buhay para sa akin . 

2)Ang mahanap na ng aking nanay at ng aking ninang ang kapatawaran sa kanilang puso . Matagal tagal na rin kasi silang hindi nagpapansinan at medyo mahirap kasi may ilangan na nagaganap sa pagitan nila . Gusto ko na maibalik muli ang dati nilang pagkakaibigan at maging masaya muli . 

    Dalawa lang ang aking hiling at hangad ko na nawa ay matupad ito .