Huwebes, Agosto 27, 2015

Sa Aking Pagsusulit

Mahirap , nakakapagod , nakakangalay  nakakalito . Ilan lamang iyan sa aking mga  naramdaman sa pagkuha ko ng National Career Assesment  Examination ( NCAE ) . Sa simula medyo madadali pa ang mga tanong ngunit sa kalagitnaan hanggang huli dun ko naramdaman ang hirap ng mga tanong . 

  Namomoroblema pa nga ako dahil pasmado ang aking mga kamay at mukhang mahihirapan yata ako sa pagkulay sa mga bilog . Habang nagsusulit kami iniisip ko na agad kung ano kaya ang posibilidad na makukuha kong kurso kapag natapos na ito at lumabas na ang resulta . Baka Business Management , Fisherman , Farmer o Engineering pero baka naman hindi dahil ang hirap ng mga tanong .bagamat mahirap ang mga tanong  , pinilit ko pa ring sagutan at intindihin ang mga ito . 

Nakakatuwa naman ang gurong nagbabantay sa amin dahil hindi siya mahirap pakisamahan . Marunong makisama sa mga estudyante na gaya ko at may libreng kwento na nakakatawa para sa amin . Siguro ginawa niya lamang iyon para libangin kami . 

Sa aking pag uwi , para akong nagtrabaho  buong araw dahil sa hitsura ko  . Parang naubos lahat ng kaalaman ko . pero tuwa din ang aking naramdaman dahil sa wakas ay tapos na ! . hindi na ako kakabahan ngunit nandon pa rin talaga ang pag iisip na kung ano kaya ang kalalabasan ng aking pagsusulit .
#filipino

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento