Lunes, Agosto 24, 2015
Paano Ba Magpahayag Ng Damdamin ?
Lahat tayo ay may iba't ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin . Mayroong deretsahang sinasabi at karamihan ay dinadaan sa paraan ng pagsusulat . Gaya ng karamihan ganito din ako , sa paraan ng pagsusulat ko ibinubuhos ang aking nararamdaman . Bakit ? . Siguro dahil nakasanayan ko na ito at isa pa sa mga dahilan nito ay dahil pinapangunahan ako ng takot at hiya para masabi ang aking nararamdaman sa isang tao at lagi kong naiisip na baka masira ang aming samahan , kung kaya't ibinubuhos ko na lamang ito sa papel , ballpen a tinta ang aking nararamdaman . Dahil pakiramdam ko , sa paraang ito mas nailalabas ko ang gusto kong sabihin ng wala akong taong nasasaktan at bukod riyan , mas nailalabas ko ang aking emosyon . masaya man ito o malungkot. Para sa akin mas masayang dito na lamang natin idaan nag pagpapahayag ng damdamin dahil malaya mong nasasabi ang nais mo at sa huli , ikagagaan pa rin naman ito ng ating kalooban .
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento