Lunes, Agosto 31, 2015

Ingat Sa Pagpapahayag Ng damdamin !

     Bakit kailangang mag ingat sa pagpapahayag ng damdamin ? Bawat isa ay may iba't ibang kaugaliang ipinapakita sa bawat taong kanilang nakakasalamuha  . Kung kaya't iba't iba ring emosyon ang kanilang naipapakita . Mayroong masayahin , malambing , makulit , seryoso , tahimik at magagalitin . Lahat ng iyan ay may kaakibat na nais iparating .



  Magagalitin , yan na siguro ang ugaling ayaw nating ipakita sa mga taong nakapaligid sa atin . Ngunit sadyang hindi ito maiiwasan . May mga pagkakataong pa rin talagang maiinis at magagalit ka dahil may nagawa silang di mo nagustuhan . kung kaya't ang iyong galit ay humahantong sa isang di magandang pagkakaunawaan hanggang sa umabot na ito sa pag aaway .

 Sa pagpapahayag ng damdamin kinkailangan pa rin nating mag ingat sa mga salitang ating ibinabato sa isang tao. dahil kung minsan ay nadadala na lang tayo ng ating galit at wala ng pake sa mga sinasabi , mabuti man ito o masama . Sabi nga nila lahat ng bagay ay kailangang pag isipan ng sa ganun wala kang taong maaapakan at masasaktan .

Huwebes, Agosto 27, 2015

Sa Aking Pagsusulit

Mahirap , nakakapagod , nakakangalay  nakakalito . Ilan lamang iyan sa aking mga  naramdaman sa pagkuha ko ng National Career Assesment  Examination ( NCAE ) . Sa simula medyo madadali pa ang mga tanong ngunit sa kalagitnaan hanggang huli dun ko naramdaman ang hirap ng mga tanong . 

  Namomoroblema pa nga ako dahil pasmado ang aking mga kamay at mukhang mahihirapan yata ako sa pagkulay sa mga bilog . Habang nagsusulit kami iniisip ko na agad kung ano kaya ang posibilidad na makukuha kong kurso kapag natapos na ito at lumabas na ang resulta . Baka Business Management , Fisherman , Farmer o Engineering pero baka naman hindi dahil ang hirap ng mga tanong .bagamat mahirap ang mga tanong  , pinilit ko pa ring sagutan at intindihin ang mga ito . 

Nakakatuwa naman ang gurong nagbabantay sa amin dahil hindi siya mahirap pakisamahan . Marunong makisama sa mga estudyante na gaya ko at may libreng kwento na nakakatawa para sa amin . Siguro ginawa niya lamang iyon para libangin kami . 

Sa aking pag uwi , para akong nagtrabaho  buong araw dahil sa hitsura ko  . Parang naubos lahat ng kaalaman ko . pero tuwa din ang aking naramdaman dahil sa wakas ay tapos na ! . hindi na ako kakabahan ngunit nandon pa rin talaga ang pag iisip na kung ano kaya ang kalalabasan ng aking pagsusulit .
#filipino

Lunes, Agosto 24, 2015

Paano Ba Magpahayag Ng Damdamin ?

 Lahat tayo ay may iba't ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin . Mayroong deretsahang sinasabi at karamihan ay dinadaan sa paraan ng pagsusulat . Gaya ng karamihan ganito din ako , sa paraan ng pagsusulat ko ibinubuhos ang aking nararamdaman . Bakit ? . Siguro dahil nakasanayan ko na ito at isa pa sa mga dahilan nito ay dahil pinapangunahan ako ng takot at hiya para masabi ang aking nararamdaman sa isang tao at lagi kong naiisip na baka masira ang aming samahan , kung kaya't ibinubuhos ko na lamang ito sa papel , ballpen a tinta ang aking nararamdaman . Dahil pakiramdam ko , sa paraang ito mas nailalabas ko ang gusto kong sabihin ng wala akong taong nasasaktan at bukod riyan , mas nailalabas ko ang aking emosyon . masaya man ito o malungkot. Para  sa akin mas masayang dito na lamang natin idaan nag pagpapahayag ng damdamin dahil malaya mong nasasabi ang nais mo at sa huli , ikagagaan pa rin naman ito ng ating kalooban . 


Sabado, Agosto 22, 2015

Maulang sabado

 Maulang hapon ! oo maulan talaga at dahil sa ulan na yan tinatamad talaga akong gumawa ng mga takdang aralin sa iba pang asignatura . Ang sarap lang kasing matulog at manood . Pero dahil MABAIT akong bata minabuti ko pa ring pumunta sa aming paaralan para sa workshop namin , yun nga lang kinansela ni ginoong gianan . Gayun pa man  minabuti pa rin naming tapusin ang mga gawain doon . may natapos nga ba ?.. haha ! uuwi na dapat talaga kami ng maaga kaso sadyang makwento ang aking mga kaibigan kaya natukso nanaman akong hindi umuwi ng maaga pero ayos lang ang dami ko namang tawa sa kwento nila .
Pagdating ko sa bahay  , agad akong pumunta sa kompyuteran upang gumawa nito . para naman masabing may ginawa ako kahit papaano !

Biyernes, Agosto 21, 2015

Paano Ba Ang Magmahal ?


        Paano ba nag magmahal ? Yan ang karaniwang tanong ng mga taong takot umibig muli . Pero bakit nga ba nila nararamdaman ito ? Marahil dahil sa nakikita nila sa ating paligid o di kaya'y naranasan na nila ang umibig pero nasaktan din sa huli . May mga tao kasing ang iniisip lang ay ang kanilang sariling kaligayahan , wala silang pake kung may masasaktan ba o wala  ang mahalaga masaya sila sa kanilang ginagawa . May mga tao din namang ginagawang pampalipas oras  ang isang tao kahit hindi naman talaga nila totoong mahal , dahil nais lang nilang makalimot sa nakaraan


        Sabi nga sa isang kanta , Paano ba nag magmahal ? kailangan bang nasasaktan ? umiiyak nlang palagi gusto na niyang lumisan . Ganito ba talaga ang kahulugan ng pag-ibig ? Sa una , masaya ka kasama ang iyong minamahal pero sa huli , iiiyak mo nlang ang lahat ng ito mag isa . Sa una lang ba talaga masaya ? Sana hindi ! kasi kung ganito nalang palagi , maraming tao ang masasaktan , luluha at di na muling magmamahal .Sabi nila may dalawang mukha daw ang pagmamahal .Malungkot at masaya ! . Siguro ang ibig sabihin ng masaya , masaya kapag kasama mo ang taong mahal mo . Yung tipong hindi kayo nagkakasawaan sa isa't isa , palaging masaya at center talaga si god . GIVE AND TAKE  daw ang kailangan para maging strong ang relationship . Pero paano kung give ka lang ng give ? Kawawa ka naman ! pero paano naman kung take ka lang ng take ? kawawa naman si give ng give !. Dapat balanse ang lahat ng bagay para balanse rin yung pagmamahalan niyo . walang sosobra at walang ring  mag kukulang  . 50 % sayo at 50 % din sa kanya kasi kung 100%  lang palagi , wawie ka ! uuwi ka ng luhaan :(. Dapat ang binibigyan mo ng 100 % na pagmamahal ay ang sarili mo at ang pamilya mo,  dahil sila lang yung mga taong di mang iiwan kahit anong magyari

Lunes, Agosto 17, 2015

Ekspektasyon Sa Ikalawang Markahan

        Ano nga ba ang inaasahan ko ngayong ikalawang markahan ? Hmf , inaasahan ko na mas magiging masaya ang bawat talakayan namin at syempre inaasahan ko rin na mas magiging madali ang mga ipapagawang pangkatan sa bawat grupo . Pero iniisip ko na baka hindi lahat ng sinabi ko ay masusunod dahil ngayon ay ikalawang markahan na , tapos na ang pagiging pabebe namin . Sa tingin ko ay magiging istrikto na ang mga guro sa amin . 
Pero gayun pa man , sisikapin kong magawa ng maayos ang mga bagay bagay at sana hindi na bumalik ang sakit kong " katam " , katamaran at sana maayos na grado pa rin ang aking makuha sa markahang ito. 
      

Unang Markahan

        Hay ! salamat at tapos na ang unang markahan . Aamin ko , unang markahan palang nahihirapan na talaga ako . Paano pa kaya kung ikalawa , ikatlo at ikaapat na markahan na ?  baliw na yata ako ! haha. biro lang , wag naman sana , paano ba naman kasi , ang daming gawain sa paaralan idagdag pa yung mga gawain sa bahay at kung minsan nagkakasabay sabay lahat di ko alam kung ano yung uunahin . Buti nalang kahit sabay sabay sila nagagawa at naipapasa ko pa rin ito sa itinakdang oras .

         Kung tutuusin ,   marami naman akong natutunan sa unang markahan . wag na natin isa isahin ! Ngunit may mga bagay pa rin talaga na minsan hindi ko  maintindihan ng mabilis kaya nahihirapan ako . Pero sa tulong aming guro sa asignaturang Filipino , matiyaga niyang ipinapaintindi sa amin ang kanyang mga bagong aralin . Kaya  salamat sa aming mga guro ,  ang babait ninyo .PUMASA nawa ako !

Sabado, Agosto 15, 2015

Paboritong Maikling Kwento

        Isa na siguro sa pinakapaborito kong maikling kwento ay ang juan tamad . Kung iisipin , pambata talaga siya pero kung pag aaralan mo ng mabuti hindi lang siya para sa mga bata kundi para siya sa lahat . Mapabata , matanda , may ngipin man o wala . Dahil tinatalakay nito ang mga kaugalian natin , ang pagiging tamad . kaya't nakakawili talaga siyang panoorin dahil nakakapulot tayo ng mabuti't magandang aral dito . Na ngayon palang kailangan na nating magsipag upang may maganda tayong patutunguhan  at alisin na dapat ang ugali nating pagiging tamad dahil wala itong magandang maitutulong sa ating lahat

Linggo, Agosto 2, 2015

Hawak Kamay

                             



Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing “di ko makakaya”
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan

Chorus
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan

Minsan madarama mo
Ang mundo’y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema’y tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan

(Chorus)

Bridge:
Wag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin meron kang kasama
Narito ako oh, Narito ako…

(Chorus)

Sa mundo ng kawalan mp3
Hawak-kamay, Hawak-kamay download
Sa mundo ng kawalan…   

Paborito ko itong kanta sapagkat hindi lang magandang liriko at tono ang nais nilang ipaabot sa ating mga tagapakinig bagkus nais din nilang iparating sa atin ang mabuti't magandang mensahe nito . Na   lahat tayo ay may pinagdaraanang problema sa buhay at kung minsan sa sobrang bigat nito ay napanghihinaan na tayo ng loob at sa huli , papasok na lang sa ating isipan ang salitang  " suko na ako ". dahil hindi ko na kaya .
maraming tao ang nakakaranas ng ganito at ang kantang ito ang siyang magbibigay aral at gabay sa ating lahat . Na hindi sinusukuan ang problema , may karamay ka sa lahat ng bagay lalo na dito sa mundong walang katiyakan . Basta kapit lang at wag kang susuko .