Gusto ko talaga ang asignaturang filipino , kasi tagalog lang naman yung sasabihin mo at issagot mo . Pero kalaunan Napagtanto kong mahirap din pala . Ang dami kasing babasahin na pagkahaba haba kaya minsan nakakaantok . Pero pag dating naman sa talakayan nakakatuwa kasi ang daming pangkatang gawain at nahahasa yung talento ng bawat isa . bukod pa diyan ay puro din kasi role play kaya masaya . madami na ring artistahin sa sa silid aralan namin . malaking tulong talaga siya sa amin .
Sa buong taon na pagtatalakayan sa asignaturang filipino . Hindi man lahat natandaan ko pero siguro iilan lang at magagamit ko pa siya sa mga sususnod na aralin kung meron man .
Sabado, Marso 19, 2016
Para Sa Guro Naming Si Gng Mixto
Marami na po kayong naituro sa amin , Hindi ko na nga po yata kayang banggitin lahat . Siguro yung iba di na po namin matatandaan pero yung pagiging makulit niyo pong guro at kaya kaming sabayan sa lahat ng trip namin , yun po yung di namin makakalimutan . Yung pang aasar po namin sa iyo tuwing pupunta si sir mixto :) AYIEEE ! kinikilig si maam .Hahaha yun po yung isang katangian na gustong gusto namin sa iyo .
Pagdating naman po sa pagtuturo , syempre po walang makakatalo sa iyo . magaling naman po talaga ikaw . Sa buong taon , sulit lahat ng ginawa namin sa asignaturang filipino , Oo inaamin namin na mahirap kasi minsan ang hirap ng pinapagawa niyo pero pagkatapos nun masaya naman eii at nakakaya naman namin kahit minsan ay di nagkakasundo ang bawat isa. Kaya salamat po sa lahat lahat .
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)