Linggo, Disyembre 6, 2015

Nakakapagod Din Pala ( sabado at linggo )

    Hindi ko masasabing ang dalawang araw na ito ang sobrang pinaka nakakapagod na araw .  7:00 ng umaga ng sabado ng ako'y makauwi sa aming bahay kagagaling ko lang kasi sa aming overnight sa thespian guild . Pagkauwi ko ay di ko na nagawang kumain dahil sa sobrang antok kaya umislip muna ako saglit . Mga  9:00 am nba ako nakagising at nagmamadali na magbihis dahil may pupuntahan pa ako , gagawa kasi kami ng proyekto sa esp ng aking mga kaklase . Hahah ilang oras lang ang tulog ko pero ayos lang . Pagdating namin sa bahay ng aking kaklase ay nagsimula ng gumawa pero ako dinadalaw nanaman ng antok kaya pinatulog muna nila ako saglit .Maingay na nag lahat ng magising ako kaya di na ako makatulog ng maayos , tumulong na lang ako . Habang may ginagawa ang bawat isa naisipan naman ng isa kong kamag aral na maglaro muna kaya ayun nauwi sa mga bunyagan hahaha ! Hapon na rin ng kami ay makauwi , hindi agad ako dumiretso sa bahay dumalaw pa kasi ako sa bahay ng kaklase ko na may sakit , binisita lang namin kung akoyy pa ba ? Pagkauwi ko ay masama talaga ang pakiramdam ko isama pa ang pamamaga ng pisngi ko dahil sa masakit ang aking ngipin 

     Kinabukasan , araw ng linggo ay maaga pa rin akong gumising upang ihanda ang aking damit na gagamitin sa pagpunta sa isang okasyon , kaarawan kasi ng aking kinakapatid . Medyo masaya naman . Puro kasi mga bata ang nandoon eii kaya wala akong makausap . Pag uwi ko sa bahay , Tinatamad akong gumawa ng aking mga takdang aralin kaya hapon na ng matapos ako sa aking mga gawain . Nakakatuwa lang kasi parang ang daming nangyari sa buong linggong ito . 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento