Anak , napakaganda ng kantang ito bukod dito ay akmang akma ang music video nito . Napili ko ito dahil ibang iba siya sa mga kantang lumalabas o nauuso sa ngayon . di lang siya maganda kundi may mapupulot ka talagang aral sa kantang ito .
Huwebes, Disyembre 17, 2015
Paboritong Musika
Lahat tayo ay may iba't ibang paboritong kanta , may mga pabago bago , meron din namang ayaw palitan ang kanilang paborito . Sa panahon ngayon marami na talaga ang mga kanta na naglalabasan , bawat buwan ay may mga usong kanta na kinagigiliwan ng lahat siguro dahil na rin sa pagiging modernisasyon nating mga kabataan . Pero kung ako ang papipiliin kung ano gusto kong kanta , ito ay ang ANAK di ko kilala kung sino ang kumanta di kasi ako palatandain ng mga pangalan eii .
nagustuhan ko
Di na ako magpapaligoy ligoy pa , isa sa pinaka nagustuhan kong gawa ng aking kamag aral ay ang gawa ni ate janalou leuterio . Dahil makikita mo at mararamdaman mo ang sensiridad ng kanyang mga sinasabi doon patungkol sa kanyang mga magulang . Bibihira lang kasi ang mga anak na ganun na lamang kasarap ang iparamdam sa sulat ang kanilang pagmamahal .
Nagustuhan ko ang kanyang gawa , bukod sa miyembro siya sa organisasyong stentor sa aming paaralan ay magagandahan ka talaga sa kanyang mga sinasabi . ang pagmamahal at pagmamalaki patungkol sa kanyang mga magulang .

Linggo, Disyembre 6, 2015
Nakakapagod Din Pala ( sabado at linggo )
Hindi ko masasabing ang dalawang araw na ito ang sobrang pinaka nakakapagod na araw . 7:00 ng umaga ng sabado ng ako'y makauwi sa aming bahay kagagaling ko lang kasi sa aming overnight sa thespian guild . Pagkauwi ko ay di ko na nagawang kumain dahil sa sobrang antok kaya umislip muna ako saglit . Mga 9:00 am nba ako nakagising at nagmamadali na magbihis dahil may pupuntahan pa ako , gagawa kasi kami ng proyekto sa esp ng aking mga kaklase . Hahah ilang oras lang ang tulog ko pero ayos lang . Pagdating namin sa bahay ng aking kaklase ay nagsimula ng gumawa pero ako dinadalaw nanaman ng antok kaya pinatulog muna nila ako saglit .Maingay na nag lahat ng magising ako kaya di na ako makatulog ng maayos , tumulong na lang ako . Habang may ginagawa ang bawat isa naisipan naman ng isa kong kamag aral na maglaro muna kaya ayun nauwi sa mga bunyagan hahaha ! Hapon na rin ng kami ay makauwi , hindi agad ako dumiretso sa bahay dumalaw pa kasi ako sa bahay ng kaklase ko na may sakit , binisita lang namin kung akoyy pa ba ? Pagkauwi ko ay masama talaga ang pakiramdam ko isama pa ang pamamaga ng pisngi ko dahil sa masakit ang aking ngipin
Kinabukasan , araw ng linggo ay maaga pa rin akong gumising upang ihanda ang aking damit na gagamitin sa pagpunta sa isang okasyon , kaarawan kasi ng aking kinakapatid . Medyo masaya naman . Puro kasi mga bata ang nandoon eii kaya wala akong makausap . Pag uwi ko sa bahay , Tinatamad akong gumawa ng aking mga takdang aralin kaya hapon na ng matapos ako sa aking mga gawain . Nakakatuwa lang kasi parang ang daming nangyari sa buong linggong ito .

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)