Sila ang
aking mga kaibigan . Maingay, magulo, maharot , makabasag pinggan ang mga boses
pero masasabi ko talagang kaibigan ko sila . Bakit ? simple lang , dahil
napapasaya nila ako at alam kong mapagkakatiwalaan ko sila sa mga bagay bagay
.Pero kung ako ang tatanungin kung ano anga ba talaga ang gusto ko sa isang tunay
na kaibigan ?
Lahat tayo ay naghahangad ng tunay at perpektong
kaibigan pero sabi nga nila walang taong
perpekto ngunit mayroong tunay na kaibigan . Isa sa mga
ninanais kong ugali ng aking kaibigan ay
ang pagiging makadiyos , dahil gusto ko na kahit anong problema ang dumating sa
amin hindi kami susuko . Mapasaya , lungkot ,pighati at galit sa huli ang diyos
pa rin an gaming sentro. Pangalawa ay ang pagiging masayahin .Napakahalagang
katangian nito . Bakit ? dahil kahit may problema ako kaya niya akong pangitiin
at ang pinakahuli , ang pagiging maunawain sa oras ng aking kalungkutan na
kahit alam niyang “moody’ akong tao hindi siya magsasawang payuhan , unawain at mahalin ako ng bukal sa kanyang
puso .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento