Miyerkules, Hulyo 22, 2015

Kaibigan kong tunay !

     

        
  Sila ang aking mga kaibigan . Maingay, magulo, maharot , makabasag pinggan ang mga boses pero masasabi ko talagang kaibigan ko sila . Bakit ? simple lang , dahil napapasaya nila ako at alam kong mapagkakatiwalaan ko sila sa mga bagay bagay .Pero kung ako ang tatanungin kung ano anga ba talaga ang gusto ko sa isang tunay na  kaibigan ?


Lahat tayo ay naghahangad ng tunay at perpektong kaibigan  pero sabi nga nila walang taong perpekto  ngunit  mayroong tunay na kaibigan . Isa sa mga ninanais kong ugali ng  aking kaibigan ay ang pagiging makadiyos , dahil gusto ko na kahit anong problema ang dumating sa amin hindi kami susuko . Mapasaya , lungkot ,pighati at galit sa huli ang diyos pa rin an gaming sentro. Pangalawa ay ang pagiging masayahin .Napakahalagang katangian nito . Bakit ? dahil kahit may problema ako kaya niya akong pangitiin at ang pinakahuli , ang pagiging maunawain sa oras ng aking kalungkutan na kahit alam niyang “moody’ akong tao hindi siya magsasawang  payuhan  , unawain at mahalin ako ng bukal sa kanyang puso .

Lunes, Hulyo 20, 2015

Juan Tamad



   Aral : Aminin man natin o hindi , ang pagiging tamad ang isa sa katangian nating mga kabataan . Tamad kumilos , tamad utusan  ,  tamad pumasok sa paaralan at tamad gumawa ng mga gawaing bahay  , maging pampaaralan man ito at iba pa . Hindi magandang tingnan ang ganitong pag uugali lalo na’t tayo ay  isang kabataan , kabataan na ang dapat na ginagawa sa ngayon ay mag aral ng mabuti at tumulong sa ating mga magulang . Ayon sa aking napanood , masasabi kong  karamihan sa mga ipinakita dito ay ang karaniwan nating ipinapakitang pag uugali sa mga taong nakapaligid sa atin. Isa lamang  itong repleksyon na dapat nating kapulutan ng aral . Nakakalungkot isipin na mas prayoridad pa natin ang maglaro at gumala kasama ang  ating mga kaibigan o di kaya’y maghanap ng karelasyon  na wala pa sa wastong edad . Napakaganda ng palabas na ito dahil ito’y kapupulutan ng aral lalo na sa gaya kong isang kabataan .