Gusto ko talaga ang asignaturang filipino , kasi tagalog lang naman yung sasabihin mo at issagot mo . Pero kalaunan Napagtanto kong mahirap din pala . Ang dami kasing babasahin na pagkahaba haba kaya minsan nakakaantok . Pero pag dating naman sa talakayan nakakatuwa kasi ang daming pangkatang gawain at nahahasa yung talento ng bawat isa . bukod pa diyan ay puro din kasi role play kaya masaya . madami na ring artistahin sa sa silid aralan namin . malaking tulong talaga siya sa amin .
Sa buong taon na pagtatalakayan sa asignaturang filipino . Hindi man lahat natandaan ko pero siguro iilan lang at magagamit ko pa siya sa mga sususnod na aralin kung meron man .
Jelica Cinto
Sabado, Marso 19, 2016
Para Sa Guro Naming Si Gng Mixto
Marami na po kayong naituro sa amin , Hindi ko na nga po yata kayang banggitin lahat . Siguro yung iba di na po namin matatandaan pero yung pagiging makulit niyo pong guro at kaya kaming sabayan sa lahat ng trip namin , yun po yung di namin makakalimutan . Yung pang aasar po namin sa iyo tuwing pupunta si sir mixto :) AYIEEE ! kinikilig si maam .Hahaha yun po yung isang katangian na gustong gusto namin sa iyo .
Pagdating naman po sa pagtuturo , syempre po walang makakatalo sa iyo . magaling naman po talaga ikaw . Sa buong taon , sulit lahat ng ginawa namin sa asignaturang filipino , Oo inaamin namin na mahirap kasi minsan ang hirap ng pinapagawa niyo pero pagkatapos nun masaya naman eii at nakakaya naman namin kahit minsan ay di nagkakasundo ang bawat isa. Kaya salamat po sa lahat lahat .
Sabado, Pebrero 27, 2016
Sabado at Linggo
Buong sabado ng hapon yata akong tinatamad at nakahiga lang sa bahay . Ewan ko ba pakiramdam ko ee dama ko pa din yung pagkatalo namin ! hahaha ang nagawa ko lang yata ay nagsaing at nagsulat ng ipopost sa blog ko. pagka tanghali ay natulog ako at medyo madilim na ng ako ay nagising .
Kinabukasan ay maaga akong nagising , ngayon ko kasi gagawin lahat ng aking takdang aralin kaya maaga akong pumunta sa computer shop upang mag post sa blog , matagal tagal na rin kasi akong di nakakapagsulat dito ee . Medyo marami rami din ang naiwang trabaho sa akin kaya kahit tinatamad ako ay kailangan ko magsipag at pigilan ang aking sakit na katam . Sana lang ay wag akong matuksong antukin mamaya . At sana lang ay matapos ko ang aking mga takdang aralin sa iba't ibang asignatura.
Laro ko noon , laro ko pa rin ngayon
Hanggang ngayon ay gusto ko pa rin siyang laruin . kaso minsan nakakahiya lang talaga dahil sa dalaga na ako at hindi na ito angkop na laro sa aking edad. Pero kung minsan ay nilalaro talaga namin ito ng aking mga kaibigan kapag kami ay magkakasama.
Sawing Nagwagi
Noong pebrero 26 ay ginanap namin ang field demonstration sa aming paaralan . Maaga rin kaming pumasok upang maghand at mag ayos ng sarili . May halong kaba at pagkagalak ang aming naramdaman . Saya dahil minsan lang naman namin ito gawin at kaba naman dahil hindi namin alam kung sino ang mananalo .
Isa sa pinaka masayang pangyayari sa arw na iyon ay nang sumayaw na kami sa harap ng maraming tao . wala na rin kasi sa isip ko kung mananalo ba akami basta ang nais gusto ko lang ay maenjoy namin ang pagsasayaw . Masayang sumayaw lalo na't ang daming kinikilig at naghihiyawan sa aming step sa sayaw . Ngunit isa sa pinakamalungkot naman na pangyyari doon ay ng inanunsyo na kung sino ang nanalo at hindi kami iyon . Oo hindi kami ! Bago pa yun ay dalawang grupo na lang kasi ang natititra kami at ang isang grupong magaling rin . kaya kinabahan na kami kasi magaling iyon at bongga yung kasuotan nila . Medyo nakakasama ng loob kasi wala man lang kaming nakuha pero ayos lang deserve naman nilang manalo ang mahalaga ay naging masaya kami . kaya kami ngayon ay "sawing nagwagi " Sawi dahil di kami nanalo pero nagwagi dahil alam naman namin na naging masaya kami .
Seryosong Nakakatawa
Ngayon na nasa tamang edad na ako . Sa tuwing naaalala ko iyon ay natatawa na lamang ako at nahihiya sa sarili . Na ang akala kong sobrang bigat na problema ay isa lang pa lang nakakatawang pangyayari sa aking buhay
T. L . E Exhibit
Sa oras ng aming asignaturang filipino ay pinalabas kami sa aming silid aralan upang tingnan ang mga pinaghirapang gawa ng bawat estudyante patungkol sa asignaturang T. L.E . Isa na rito ang aming miniture house na siya namang bumida sa mga mata ng mga estudyante , meron ding iba't ibang klase ng tahi , ang paggawa ng mini computerat ang pagtitinda doon ng ilang mga estudyante .
Nakakatuwa kasi nadoon yung gawa ko . Ilang araw ko din iyong pinaghirapan aa hahah. Talagang nakakatuwa dahil sa pamamagitan nito ay nabibigyang halaga nila ang gawa ng mga estudyante na siyang nagiging dahilan upang mas lalo pa naming pagbutihin ang aming gawa.
Nakakatuwa kasi nadoon yung gawa ko . Ilang araw ko din iyong pinaghirapan aa hahah. Talagang nakakatuwa dahil sa pamamagitan nito ay nabibigyang halaga nila ang gawa ng mga estudyante na siyang nagiging dahilan upang mas lalo pa naming pagbutihin ang aming gawa.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)